Kasong murder sa mga may sakit ng Covid-19 na hindi nag-iingat para makahawa ng iba
- Published on June 10, 2021
- by @peoplesbalita
MAAARING panagutin sa kasong murder ang mga may sakit ng COVID-19 na hindi nag-iingat para na hindi makahawa ng iba.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay tila pinaboran ng Chief Executive ang naging mungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na may mga mabibigat na parusa na maaaring ipataw sa mga patuloy na lumalabag sa health protocols na itinakda ng gobyerno.
“Kasi iyong unang sitwasyon hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, kaya kung iyon po ay namatay pupwede iyon pumasok sa homicide. Pero kung maselan ito na sugat o injury, maaaring reckless imprudence resulting to physical injury or depende kung serious or less serious. Pero kung alam niya, at pumunta sa isang lugar at may sakit siya ng coronavirus, at namatay, ay iyan po ay talagang sadyang pagpatay iyan. Iyan po ay papasok sa murder sapagkat intentional,” paliwanag ni Panelo.
Ang naging tugon naman ng Pangulo ay “Iyong sabi mong murder, although medyo malayo siguro sa isip ng tao iyan, but it is possible. If he knows that he is sick with COVID-19, and he goes about nonchalant, papasyal pasyal ka lang diyan. You are maybe it if it is intentional, malayo iyan. Pero it could be murder sabi ni Sal. At iyang reckless imprudence, mas swak doon sa sitwasyon na iyon.”
Maliban sa homicide at murder, puwede rin aniyang mapanagot ang mga sumusuway sa health protocols sa mga kasong resistance or disobedience to authorities at paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, ayon kay Panelo.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año na may mga naitatala pa rin ang Philippine National Police na mga paglabag sa health protocols.
Sa katunayan aniya ay pumalo na sa 50,021 ang hindi nagsusuot ng face mask, habang nasa 613 ang dumalo sa mga mass gathering. Mayroon ring 13,882 na lumabag sa physical distancing.
Ayon sa Kalihim, mahigit 1,000 na ang nasampahan ng kaso sa korte.
-
Pinoy na nakakaranas ng gutom, dumami!
DUMAMI ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom, batay sa latest Social Weather Station (SWS) survey. Ito ay makaraang makapagtala ng 12.6 percent na bilang ng pamilya na nagsabing dumaranas ng involuntary hunger o pagkagutom subalit walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan. Ang naturang percentage ng […]
-
Gobyerno, pag-uusapan ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa Kalakhang Maynila , travel protocols
PAG-UUSAPAN ng Inter-agency task force on COVID-19 ang panukalang muling pagbubukas ng mga sinehan sa Kalakhang Maynila at posibleng bagong protocols para sa mga byahero. Ang mga movie houses, arcades, at cinemas sa capital region ay nagsara simula pa noong Marso matapos na sumipa ang coronavirus cases. “Ang alam ko po, nasa agenda […]
-
Restored version ng ‘T-Bird at Ako’ nina NORA at VILMA, muling mapapanood sa ‘2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival’
SA selebrasyon ng Pride Month ngayong Hunyo, ihahandog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 2nd PelikuLAYA: LGBTQIA+ Film Festival online from June 4 to 30. May theme ito ng “Sama-Sama, Lahat Rarampa!”, sa taong ito aim ng PelikuLAYA na ma-empower ang members ng LGBTQIA+ community sa pamamagitan ng lineup ng […]