• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Katotohanan sa ABS-CBN franchise issue, hirit ni Duterte – Palasyo

MAGMAMASID ang Malacañang sa magiging takbo ng gagawing imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN franchise renewal sa Lunes.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na papanoorin ng Palasyo ang gagawing pagbusisi ng mga senador sa prangkisa ng nabanggit na TV network pati na kung ano ang gustong gawin ng mga senador.

 

Ayon kay Panelo, nais din nilang malaman ang katotohanan kung nasusunod ba ng ABS-CBN ang mga nakapaloob na probisyon ng kanilang prangkisa o may nilalabag sa mga ito.

 

Katotohanan ang hinahanap ng publiko, pati na rin aniya si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

“Manunood tayo. Alam mo, sabi nga ni Presidente doon sa KBB, kahit anong gawin ninyo basta ang gusto ko lang, katotohanan – murahin ninyo ako, siraan ninyo ako, okay lang. Kung totoo, sige gawin ninyo. Ang ayaw ko kung ang ginagawa ninyo ay puro kasinungalingan eh doon tayo hindi nagkakasundo,” ani Panelo.

 

Hindi rin naitago ni Panelo ang pagkayamot sa naging panayam sa kanya ni Karen Davila dahil sa pilit na pag-uugnay sa isyu ng freedom of the press sa franchise issue.

 

Iginiit ng kalihim na walang koneksiyon ang freedom of the press sa prangkisa ng ABS-CBN na nakatakdang mag-expire sa Marso 30.

 

Hindi rin aniya si Pangulong Duterte ang dapat kalampagin at pagbuntunan ng sisi dahil ang Kongreso ang may hurisdiksiyon sa pag-iisyu ng prangkisa.

 

“Ang nakakayamot is pinapasok nila iyong freedom of the press na connected – walang koneksiyon eh. Ipagpalagay natin nawala ang ABS-CBN, are you telling me na namatay na ang freedom of the press? Of course not! Ang daming networks, ang daming radyo, ah ewan ko ba,” dagdag pa ni Panelo.

 

Kaugnay nito, ipinagdiinan din ng kalihim na hindi umano literal ang mga sinasabing ipapasara ni Duterte ang ABS-CBN.

 

Ayon dito, hindi dapat seryosohin ang naging pahayag ni Duterte kontra Kapamilya network, na matatandaang babakuran umano nito ang franchise renewal ng ABS-CBN dahil hindi pinalabas ang kanyang campaign ads noong 2016. (Daris Jose)

Other News
  • Martes athletics coach na

    HINDI na nalalayong maging full-time track and field o running coach sa hinaharap si women’s marathon queen Christabel Abenoja Martes ng Baguio City.   Napabilang ang 7th Pattaya Asian Marathon Championships 2000 sil- ver medalist sa 12 pumasa buhat sa 24 na lumahok sa makasaysayang 14 na araw na World Athletics (WA) Coaches Education Learning […]

  • ALL-NEW “SCREAM” REVEALS POSTERS OF LEGACY CHARACTERS

    IT’S time for a killer reunion. Paramount Pictures has just released the individual posters of the legacy characters of  the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022.     Check out below the character one-sheets of Neve Campbell, Courtney Cox and David Arquette.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0]     […]

  • Poverty rate sa PH, target na maibaba sa 9% sa katapusan ng termino ng Marcos administration – DOF chief

    TARGET na maibaba ang poverty rate sa bansa sa katapusan ng termino ng Marcos administration sa taong 2028.     Pagsisiwalat ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na ang naturang layunin ay bahagi ng medium-term fiscal consolidation framework ng ahensiya na iprinisenta sa unang Cabinet meeting ng pangulo.     Hindi lamang daw […]