• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAUNA-UNAHANG OSPITAL NG OFW, ITINAYO

ITINATAYO  na ang kauna-unahang ospital ng Overseas Filipino Workers (OFW) na magkakaroon ng soft opening nitong Oktubre 1 .

 

 

Ayon kay Labor Usec. Renato Ebarle, pinamamadali na ng DOLE ang pagkumpleto upang sa lalong madaling panahon ay mabubuksan na ang OFW Hospital na itinatayo sa San Fernando, Pampanga makaraang madelay dahil sa patuloy na krisis dala ng COVID-19.

 

 

Aniya, puspusan na ang ginagawang trabaho ng contractor ng naturang ospital kaya naman 15.7% na itong kumpleto.

 

 

Sa huling bahagi ng taon, umaasa ang DOLE na  makukumpleto na ang mga equipment o kagamitan sa pasilidad.

 

 

Sinabi ni Ebarle na kukuha naman ng halos 300 medical personnel ang OFW Hospital, na ang proseso ng hiring ay mag-uumpisa sa ikatlong quarter ng taon.

 

 

Pinondohan ng  P1.5 billion ang OFW Hospital na inisyatibo ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa tulong ng Provincial Government ng Pampanga, Department of Health, Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR, at Bloomberry Cultural Foundation.

 

 

Ito ay kauna-unahang pagamutan  para sa mga OFW sa bansa, ay mayroong apat na palapag at magkakaroon ng 100-bed capacity na maaaring magamit ng mga mangangailangang OFWs at kanilang mga pamilya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Meet the cast of the thrilling zombie apocalypse movie “Love You as the World Ends”

    Kamen Rider stars Takeuchi Ryoma and Takahashi Fumiya are Hibiki and Yamato in the dystopian zombie film Love You as the World Ends. Based on the hit horror-television series co-produced by Nippon TV and Hulu Japan, Love You As The World Ends ties in all the intertwining stories of a group of survivors trying to […]

  • Matagal na pinag-isipan at umabot ng isang taon: LIZA, nagsampa ng 78 counts ng cyber libel case laban sa Pep.ph

    NAGSAMPA na kahapon, May 24 ng 78 counts ng cyber libel case si former FDCP chairperson Liza Diño-Seguerra laban sa entertainment website na Pep.ph at mga taong involved tungkol sa paglabas ng serye ng malicious articles noong 2023. Sa nilabas na statement ng actress at asawa ni OPM Icon Ice Seguerra… “In May of last year, I was ambushed […]

  • COVID increase projection dahil sa nagdaang eleksyon, ngayong linggo inaasahan- Dr . Solante

    INAASAHANG ngayong linggong ang simula ng projection na ginawa ng mga eksperto patungkol sa posibleng pagsipa ng kaso ng COVID 19.     Sinasabing, ito na kasi ang ikalawang linggo o eksaktong 14 na araw makaraang idaos ang national elections kung saan ay nagsipagdagsaan ang may higit 60 na milyong mga botante sa iba’t ibang […]