• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kauna-unahang ‘Walk of Faith’ ng Itim na Nazareno mapayapa – PNP

MAPAYAPA sa kabuuan ang kauna-unahang “Walk of Faith” sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno na nagsimula kaninang ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Manila Police District (MPD) PBGen. Andre Dizon batay sa kanilang naging initial assessment simula kaninang madaling araw hanggang ngayong hapon, mapayapa at walang naiulat na mga untoward incident.

 

 

Nasa heightened alert status ngayon ang PNP para matiyak na maayos at mapayapa ang mga aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Sa kabilang dako, umaabot na sa halos 150,000 deboto ang nagtungo sa Quiapo Church at Quirino Grandstand.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng Quiapo Command Post sa nasabing bilang nasa 110,927 ang kabuuang deboto na nagtungo sa simbahan ng Quiapo habang nasa 38,765 naman sa Quirino Grandstand.

Other News
  • 3 bebot timbog sa tangkang pagpuslit ng P27K sigarilyo

    KALABOSO ang tatlong bebot kabilang ang isang cashier matapos umanong magsabwatan para magpuslit ng nasa P27,600 halaga ng sigarilyo sa isang tindahan sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang mga naaresto na sina Myka Veronica Louise Bautista, 26 ng Escanilla St., Brgy. Concepcion, Jacklyn Jose, […]

  • Flexi work ‘bagong normal’ sa gobyerno – CSC

    IPATUTUPAD pa rin ang “flexible work arrangement” sa gobyerno at ituturing na “bagong normal” matapos makita ng Civil Service Commission (CSC) na epektibo ito kahit na matapos ang pandemya.     Sinabi ni CSC commissioner Aileen Lizada na ang institutionalization ng flexible work arrangement ang sagot ng komisyon sa bagong normal para sa gobyerno upang […]

  • NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños

    NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Tiangco brothers sa Senadora sa ibinigay niyang tulong sa mga mangingisda sa Navotas. (Richard Mesa)