Kaya naghahanda sa kanyang future plans: RAYVER, nakikitang si JULIE ANNE na ang makakasama habang-buhay
- Published on March 18, 2023
- by @peoplesbalita
MARAMI nga ang kinilig sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, March 16 dahil sa JulieVer.
Guests nga ni King of Talk Boy Abunda sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Isang two-in-one Fast Talk ang nangyari na kung saan salitan silang sumagot sa mga tanong tungkol sa isa’t-isa.
Isa sa tanong si Kuya Boy, “What do you like about Julie?”
“Everything, Tito Boy. She’s my world,” sagot ni Rayver.
Ang sagot naman ni Julie sa nagustuhan niya sa boyfriend: “he is very loving.”
Marami rin ang kinilig sa tanong kung ano ang tawagan nila sa isa’t-isa.
“Juls, pero sa totoo lang, ang tawag ko sa kanya ay my love” sagot ni Rayver.
“Pumpkin kasi tawag ko sa kanya and love,” sabi ni Julie.
Pagkatapos ng Fast Talk, may binalikan si Kuya Boy sa ilan sa mga sagot nina Julie at Rayver.
Pinaliwanang ng isa celebrity endorser ng Beautederm kung bakit ‘yun ang tawag niya sa Asia’s Limitless Star, “Yun po talaga yung tawag ko sa kanya kasi.
“Ine-express ko po Tito Boy everyday, parang nahihirapan na po ako kapag hindi ko sinasabing love, mahal.”
Pareho naman silang natawa nang tinanong ni Tito Boy kung tuwing kailan sila naiinis sa isa’t-isa.
Kuwento rin ni Julie na naiinis siya kapag ‘di agad nagre-reply si Rayver dahil busy ito sa paglalaro ng mobile game.
“Alam naman ng lahat na gamer ako. Two minutes lang po ‘yun pag ‘di ko nakaka-reply,” natatawang sagot ni Rayver.
Pero kinontra ito ni Julie: “Grabe, hindi kaya two minutes ‘yun. May times (na mas matagal), pero okey lang naman.”
Kaya nasambit tuloy ni Rayver na, “pero itatapon ko na ‘yun. Ikaw lang kailangan ko,” sabi pa ng guwapong aktor.
Sagot naman ni Julie, “‘wag, I know that you love it. So, I’m not gonna take that away.”
Of course, sinagot din ng couple sa tanong na ‘Lights on or lights off?’ pero magkaiba ang sagot nila. Lights on si Rayver, lights off naman si Julie.
Pero humirit pa ang singer/actress na, “Kasi lights on pagkagising. Lights off pag tulog.”
Panunukso naman ng aktor, “Galing ah. Pag paliwanag, ang bilis mo!”
Sa pagtatapos ng Thurday episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda, hiningan sila ng mensahe para sa isa’t-isa.
“Palagi ko namang sinasabi sa kanya na… Gusto ko lang sabihin sa’yo na, this is it,” seryosong tugon ni Rayver.
“Kung hindi mo man alam, pero I’m getting ready kasi ikaw na talaga ang nakikita kong makakasama ko habang-buhay.”
Dagdag pa ng 33-year old actor, “noon kasi, nagre-ready ako for myself. But now, I’m getting ready para sa mga future plans ko and future ko with her.”
Maikli lang ang naging sagot ni Julie pero malaman, “Basta kung nasaan ka, nandoon ako.”
Kasunod nito ang masaya at malakas nilang tawanan.
Aliw na aliw din si Kuya Boy sa pagtatapos ng interview na parang ayaw na niyang tapusin at napaupo pa siya sa floor.
At bago tuluyang magsara ang naturang episode, humirit pa ang King of Talk para sa JulieVer, “kung nasaan kayo, naroon kami, dahil mahal namin kayo. Maraming-maraming salamat!”
(ROHN ROMULO)
-
PANUKALANG BATAS PARA sa NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION, INIHAIN NA!
Inihain na ni Sr. Deputy Speaker, Hon. Doy C. Leachon, ang HB9368 na may titulong “An Act Regulating the No-Contact Apprehension Policy in the Implementation of Traffic Laws, Ordinances, Rules and Regulations” Kinikilala nito ang kahalagahan ng no-contact apprehension sa pagdi-disiplina ng mga drivers para sa kaayusan ng daloy ng trapiko, habang binibigyan din […]
-
Pamilya ng mga sundalo, pinapasama na ni PDu30 para sa libreng bakuna ng gobyerno
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na isama ang pamilya ng mga sundalo sa priority list na mabigyan ng COVID vaccine. Partikular na naging utos ng Chief Executive na isama ang mga ito sa mga mauunang maturukan na gagawin sa kampo ng militar. “So ang sunod […]
-
Top seed USA ginulat ng Uzbekistan, team PH inilampaso ang Monaco sa Day 4 ng World Chess Olympiad
GINULAT ang national team ng Estados Unidos ng bansang Uzbekistan matapos ang Day 4 sa nagpapatuloy na 44th FIDE Chess Olympiad sa Mahabalipuram sa bansang India. Ito ay makaraang magawang maitabla ng Uzbekistan ang kanilang harapan sa score na tig-dalawang panalo. Tanging ang Filipino-American at supergrandmaster na si Wesley So ang […]