• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya never na niligawan noong magka-loveteam sila:

GABBY, parang kapatid lang si SNOOKY at walang emotional attachment

MULI ngang sasabak naman sa heavy drama Kapuso series si Gabby Concepcion, sa My Father’s Wife.

Si Kylie Padilla na gaganap na anak ni Gabby sa serye.

First time din ni Gabby katrabaho si Kazel Kinouchi na gaganap na karelasyon niya.

Nasa ‘My Father’s Wife’ rin si Snooky Serna in a special role.

Kamusta ang balik-tambalan nila ni Snooky?

“Naku nami-miss ko na nga yang si Snooky e, kaya nung nakita ko si Snooky, ‘Snooky, you have not aged a single day, you still look the same. The last time I saw you sa Miracle of Love”, at tumawa si Gabby.

Ang ‘Miracle Of Love’ ay ang pelikula nila noong 1982 kasama ang flight attendant na naging aktres na si Roxanne Abad Santos na binawian ng buhay ilang linggo bago maipalabas ang kanilang pelikula dahil sa sakit na leukemia sa edad na 24.

Samantala unang beses palang na pagsasama nina Gabby at Snooky sa isang serye,  na umere na noong June 23, sa direksyon nina Dominic Zapata at Aya Topacio.

Napapanood ang ‘My Father’s Wife, 2:30 pm sa GMA Afternoon Prime.

Ano ang reaksyon niya nang nalaman magsasama sila ni Snooky?

“Si Snooky kasi was never my…you know, nothing personal. Nagkaroon kami yung love team, love team lang, pero meron siya talagang tunay na buhay na love e.

“So ang tingin ko kay Snooky parang kapatid lang na parang walang emotional attachment as far as romance is concerned.”

Never daw niyang niligawan si Snooky noong araw na mga binata at dalaga pa sila.

“Wala lang. Hindi lang ano e, masyado pa kaming bata nun. Parang hindi pa namin iniisip yun, yung kissing scene nga, hindi nga ako ano e… nag-workshop pa ako,” muling pagbibiro ni Gabby.
(ROMMEL L. GONZALES)