Kaya pinag-iingat ang bibisita sa ocean park: ROCCO, muntik nang mabiktima ng ‘basag kotse’ gang
- Published on July 6, 2023
- by @peoplesbalita
SA pamamagitan ng kanyang Facebook page, ipinost ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang naging experience ng kanyang pamilya nang mamasyal sa isang ocean park sa Maynila noong July 2.
Lalo na ang naranasan ng kanilang driver na naiwan sa loob ng sasakyan, at magsilbi itong warning sa planong bumisita nasabing ocean park.
Sa pagsisimula ng post ng aktor, Hello Manila Ocean Park, I am making this post for the safety of your customers and for the welfare and security of Manila Ocean Park.
“Yesterday, July 2, we visited Ocean park with my family. We were 2 cars and since it was a hectic day, we brought a driver with us. As he brought us to the drop off area where my parents were waiting for us, everything went smoothly and I instructed our driver to head to the parking area of Ocean Park and rest for a while.
“While we were inside, our driver took a nap and turned off the engine of the car. Since hindi sanay matulog sa car, mababaw ang tulog niya.”
Pagpapatuloy niya, “A little later, two cars parked in front of him, and out came seven individuals, 5 of them male and 2 female. They started circling around the car, slowly peeping inside. obviously looking for something. Our driver got nervous and started to fake his sleep, but he was slowly watching them.
“He heard from one of the men, saying, “may tao ba? May makukuha ba?” Which the woman replied, “meron pala, natutulog.”
“They started to exchange looks kung itutuloy nila o hindi. But then chose to drive away nalang.”
Kaya ang laking pasasalamat ni Rocco sa kanilang driver, “If my driver wasn’t there, basag ang windows ko niyan, kinuha na lahat ng valuables sa loob lalo na at kitang kita na maraming baby stuff inside.
“If pumalag ang driver ko, most probably may baril ang mga lalaki na de kotse pa.”
Paglilinaw pa niya, “Posting this not to bash ocean park. But please, bump up your security. Increase roving around the parks inside and outside the park. Please invest on your security, lalo na maraming tourists na dumadalaw sa park and hotels.
“Napakswerte namin nung araw na iyon. I was supposed to withdraw some money and lock in in the compartment. Buti nalang hindi ko tinuloy. Kapag napagtripan kami, at nabuksan yun, goodbye pera.”
Paaala pa ng aktor, “For the families visiting Manila Ocean Park, PLEASE DO NOT LEAVE ANY VALUABLES INSIDE YOUR CAR. Mabuksan man nila, basta wala sila makuha na valuables.
“Stay safe everyone. Di na biro ang mga nilalang na gumagawa ng masama, kung ano man ang rason nila para gawin iyun. Karma nalang bahala sa kanila. Pero sana ma-realize nila kapag tinuloy nila mga gawain nila, napaka traumatizing sa mga families ang ginagawa nila.”
Sa pagtatapos ng kanyang post, “To everyone reading this, please share to friends na may balak pumunta ng ocean park.
“Ang laki laki ng kinikita niyo Ocean Park, invest naman kayo in safe parking spaces and number of security guards.
“Stay safe everyone.”
Well, sana naman magawa ito ng paraan at masolusyunan ng management ng ocean park, dahil hindi naman mga local ang namamasyal dyan, pati foreigners.
(ROHN ROMULO)
-
Water supply sapat sa NCR ngayong dry season
SINISIGURO ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang water supply sa National Capital Region at mga karatig na lugar nitong panahon ng dry season. Sinabi ni NWRB executive director Dr. Sevillo David Jr. na nais ng kanyang ahensya na mapanatili ang kasalukuyang alokasyon ng tubig sa gitna ng pandemya. […]
-
Sharon, pumayag na i-tour ang condo units sa vlog ng comedian friends
PUMAYAG si Megastar Sharon Cuneta na i-tour ang kanyang condominium unit for the first time through a vlog ng kanyang comedian friends na sina MC Muah Calaquian, Lassy Marquez, and Chad Kinis or her Beks Batallion. Ipinakita ni Sharon sa tatlo ang dalawa niyang units that occupied the whole floor of the condominium. Una […]
-
Sunog sa Paco, Maynila: 1 patay
Isang babae ang nasawi nang maipit sa kaniyang nagliliyab na bahay sa sunog na naganap isang residential area sa Paco, Maynila dulot umano ng napabayaang rice cooker, kahapon ng madaling araw. Inisyal na kinilala ang nasawi na si Loida Reyes Delayman, 54, ng Interior 29 Gomez Street, Brgy. 823 Paco, ng naturang lungsod. Isa […]