• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya proud na proud na pinost ni Coleen: BILLY, ‘di makapaniwalang nanalo sila sa ‘Dancing with the Stars’ sa France

ANY day now ay babalik na si Kapuso actress Bea Alonzo mula sa kanyang bakasyon sa Madrid, Spain, kung saan nakabili na siya ng house doon, at magiging bakasyunan niya at ng kanyang family kung libre siya from work.

 

 

May clamor kasi ang mga fans ng “Start-Up PH” nina Alden Richards at Bea  na makita naman sila nang personal, sa kanilang lugar sa South.  Nauna  na kasi silang pumunta noon sa Dagupan City, bago umalis si Bea for Spain.

 

 

Kaya this time, they will grace the stage for another fun-filled Kapuso Mall Show on Sunday, November 20, sa Gaisano Grand Mall Mactan, Cebu, at 3PM at sa Ayala Center Cebu, at 7PM.  May isa pa silang mall show naman sa Davao.

 

 

Meanwhile, excited na ang mga netizens na sumusubaybay sa serye at 8:30PM, sa GMA-7, na malapit nang makilala ni Dani (Bea) kung sino talaga si Tristan Hernandez (Alden) at kung sino si Dave (Jeric Gonzales).

 

 

                                                            *****

 

 

VERY proud wife si Coleen Garcia sa husband niyang si Billy Crawford, matapos manalo ang host ng “Wall Philippines” sa “Dancing with the Stars” sa France, kasama ang dancing partner niyang si Fauve Hautot, sa latest season ng dancing competition.

 

 

Instagram post ni Coleen: “Words cannot express how PROUD I am of you, my love! Not just for WINNING this difficult competition but growing into the person you have become: a kind, humble man who works hard , dreams big for his family, shoots for the stars and makes sure to lift as many people up with him along the way.

 

 

“You are an AMAZING person, and I am sooo so blessed that our son gets to look up to you and have you as his Dad.  You amaze me everytime. I love you, and I’m SO HAPPY for you!  You deserve all of this and more.”

 

 

Sinagot naman ito ni Billy:  “I can’t believe it! I LOVE YOU SO MUCH and thank you soooomuch for just EVERYTHING.”

 

 

Very supportive wife naman si Coleen, dahil sinamahan nila ng baby boy nilang si Amari si Billy sa France habang isinasagawa ang competition.

 

 

Meanwhile, inaabangan naman every Sunday, at 3:35 PM, si  Billy sa hosting nito ng “Wall Philippines”.  Very enjoyable kasi ang show at makikihula ka kung saan babagsak ang mga bola, para malaman kung magkano ang mapapanalunan mo.

 

 

Ang game show ay collaboration ng GMA Network at Viva TV.

 

                                                            *****

 

 

MARAMING nagulat nang pumirma ng kontrata ang Filipino-Argentinian na si Chanty Videla ng K-pop girl group Lapillus, sa Sparkle family ng GMA Artists Center last Friday, Novembe11.

 

 

Dating member kasi si Chanty ng ABS-CBN Star Magic Circle 2018.

 

 

Present sa contract signing sina GMA SVP Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle AVP for Talent Management Ms. Joy Marcelo, SAVP for Alternative Productions Ms. Gigi Santiago-Lara, Sparkle Senior Talent Manager Mr. Vic del Rosario and MLD Entertainment’s CEO and producer Mr. Lee Hyoungin.

 

 

After ng contract-signing, GMA is happy to welcome Chanty, at kahapon, Sunday, November 13, nag-guest na si Chanty at ang Lapillus sa “All-Out Sundays.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka, hiling ng LTO sa susunod na administrasyon

    HUMILING ang Land Transportation Office (LTO) sa susunod na administrasyon ng dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka.     Ito ay sa kadahilanang nasa 11 milyon na ang backlog ng LTO sa paggawa ng plaka ng motorsiklo.     Sa isang press conference ay sinabi ni Department of Transportation, LTO chief Assistant Secretary […]

  • Ads February 6, 2024

  • DIRECTOR SJ CLARKSON SAYS THAT “MADAME WEB” IS UNLIKE ANY OTHER SUPERHERO. THE DAKOTA JOHNSON STARRER OPENS IN CINEMAS ON VALENTINE’S DAY

    “MADAME Web is unlike any other superhero,” says director SJ Clarkson, who helms Madame Web, the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe.       In bringing to the screen one of Marvel’s most mysterious and inscrutable characters, Clarkson directs a standalone origin story for the character, played by Dakota Johnson, […]