• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kazakhstan Asian Indoor hindi malulundagan ni EJ Obiena

PUWERSADO si Ernest John ‘EJ’ Obiena at ang iba pang miyembro ng national pole vault team na huwag na lang sumali sa gaganaping Asian Indoor Athletics Championships sa Pebrero 1- 12 sa Nur Sultan, Kazakhstan.

 

Siniwalat ni Philippine Athletics Track and Field Association president Agapito ‘Terry’ Capistrano Martes na hindi makakalahok ang reigning World Athletics No.3 men’s pole vaulter at ang tatlong iba sa PH team sa continental meet dahil sa problema sa logistics.

 

Inesplika ni PATAFA secretary general Edward Kho, na ang mga airline sa Astana ay gumagamit lang ng maliliit na sasakyang panghimpapawid at hindi pinapayagan ang pagkakarga ng mga mahahabang pole.

 

Pero hinirit ni Capistrano na pinag-iisipan pa ni Obiena ang huling minutong desisyon kung hahabol sa biyahe sa lupa para madala ang mga pole.

 

Sinimulan ni Obiena ang indoor season sa pagkopo ng pilak at gintong medalya sa Germany at France. (CARD)

Other News
  • Award-Winning ‘Blue Room’ premiered at 14th SOHO Filmfest, officially selected at 19th LA Femme Filmfest

    SOHO International Film Festival in New York, founded by Justin Girard with Festival Director Sibyl Santiago was held this past week Sept. 14 – 21.     The Philippine entry, ‘Blue Room’ by Ma-an Asuncion-Dagñalan, had its North American / US Premiere last Sept. 20 as its Closing Film, attended by one of its lead […]

  • Proyekto ng Duterte admin itutuloy ni PBBM

    ITUTULOY ng administrasyong Marcos ang ilang proyekto na nasimulan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.     Sinabi ni Marcos, ito ay dahil nakita niya  ang bunga ng ilan sa mga proyekto ni Duterte na flagship infrastructure program nitong mga unang araw ng Marso.     Lumalabas na sa 194 infrastructure projects na nagkakahalaga ng P9 […]

  • Lim, 5 pa mangangarate sa 2 torneo bago mag-WOQT

    SASABAK muna sa dalawang torneo si 2019 Philippines Southeast Asian Games 2019 women’s karate gold medalist Jamie Christine Lim at limang kapwa karate bago mag-World Olympic Qualification Tournament (WOQT) sa Paris, France sa darating na Hunyo 11-13   Ang tatlong araw na WOQT ang huling paligsahan sa mga nais pang humabol sa 32nd Summer Olympic […]