KC, naging maganda na ang relasyon sa mga magulang lalo na kay SHARON
- Published on May 6, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSABI na si KC Concepcion na from her condo living, lilipat na ito sa bahay talaga.
At mukhang sa paglipat niya, ang mga magulang ang dalawa sa kino-consult niya lagi.
At kung noong isang taon, ang daming hindi magandang isyu sa pagitan nina KC at sa kanyang ina, ang Megastar na si Sharon Cuneta, this year, mukhang maganda na ang relasyon ni KC sa mga magulang, lalo na sa ina.
Ang Papa naman niya na si Gabby Concepcion, dati pa ay tipong “cool na cool” na talaga ang father-daughter relationship nila.
Parehong ishinare ni KC sa kanyang Instagram account ang palitan niya ng text kina Sharon at Gabby.
Ayon kay KC, yung mga message raw sa kanya ng mga magulang ang nagiging motivation at encouragement para sa kanyang independent living, lalo na ngayong may pandemya.
Ang message ni Sharon kay KC, “Wow! Am so proud of you!” At ang caption ni KC sa message ng ina, “The only words an independent woman will ever need from her mother to keep her going. Rare, and definitely not taken for granted. Love all around.”
Pinost din niya ang palitan nila ng text ni Gabby.
“Parang may tinatanong si KC sa Papa niya tungkol siguro sa bagong bahay na nilapatan.” At sagot ni Gabby sa anak, “You got it all figured out. That’s my girl!”
Ang caption naman ni KC sa palitan nila ng text ng Papa niya, “Words of encouragement from papa. Moving from a condo to a house is so intimidating! But I got this… my pops happens to be a licensed real estate broker in California. Grateful to get tons of real estate advice! Thanks for looking out pa!”
***
BIRTHDAY ng Kapuso actress na si Andrea Torres noong May 4.
Thirty-one na ito pero parang after ng nangyaring break-up sa kanila ni Derek Ramsay, parang mas masaya at yung tipong mas excited pa ito sa buhay.
At sa kanyang Instagram birthday post, sinabi ni Andrea na araw-araw raw, may list siya ng mga bagay na she’s grateful or ipinagpapasalamat niya. At siguro nga, ang positibong disposisyon ni Andrea kaya naging madali sa kanya ang lahat. From the break-up at moving-on niya.
Sabi ni Andrea, “THANK YOU. Thank you Lord.. For reminding me of how much You love me. So many times I literally felt time stop, my jaw drop, in amazement. The most number of prayers answered. Miracles unfolding one after the other. I cannot praise You enough. Thank you family and friends (who feel like family ) You have given me so much of your time, effort and care. I am surrounded by angels. Thank you to each and every one of you. You’re all a big part of this. Everyday I make a list of the things I am grateful for and safe to say… I am bursting ️ I’ll bring all of this with me ️ Wishing good health, protection, strength and happiness for all of us Looking at the future bright-eyed and eager.” (ROSE GARCIA)
-
PNP units naka-alerto vs NPA attacks – Eleazar
Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga unit commanders na maging alerto at paigtingin ang kanilang police operations laban sa CPP-NPA-NDF, kasunod sa nangyaring bomb attack sa Iloilo na ikinasugat ng dalawang pulis. Pinasisiguro ni Eleazar sa mga commanders na huwag bigyan ng pagkakataon ang komunistang grupo na makapag […]
-
Deployment ng OFWs sa Saudi, tuloy na
SIMULA sa Nobyembre 7, 2022 ay itutuloy na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasunod ng pagtanggal ng deployment ban sa nasabing bansa. Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, isasama sa bagong kontrata ang pagbibigay ng […]
-
Sa pananalasa ng Severe Tropical Storm ayon sa OCD… 46 na patay sa bagsik ni ‘Kristine’
PUMALO na sa 46 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine ayon sa Office of Civil Defense (OCD). Ayon kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang bilang ng mga nasawi ay mula sa Bicol Region, 28, na sinundan ng Calabarzon na may 15 habang tig-isa naman ang naitala mula […]