• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot, huli sa akto sa boga sa Caloocan

SWAK sa kulungan ang 31-anyos na lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis habang kinakalikot ang hawak na baril sa Caloocan City. Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code ang suspek na residente ng Brgy. 176, Bagong Silang, ng lungsod. Sa ulat, habang nagsasagawa ng regular foot patrol ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Robes-1. Area 1, Brgy. 175, Camarin nang matiyempuhan nila ang suspek na abala sa pagkalikot ng hawak na baril sa isang eskinita sa dakong ala-1:45 ng madaling araw. Kaagad nilang nilapitan ang suspek sabay nagpakilala bilang mga pulis bago kinumpiska ang hawak nitong isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala. Nang hanapan nila ng kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek kaya pinosasan siya ng mga pulis at binitbit sa selda. Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang mabilis na aksyon ng Caloocan CPS. “This successful operation demonstrates the power of collaboration and our relentless pursuit of those who seek to evade the law and possess illegal firearms. We will continue to work tirelessly to ensure the safety and security of every resident in our district,” pahayag niya. (Richard Mesa)

null

Other News
  • Japanese National, inaresto sa pagnanakaw

    NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa  Tokyo sa kasong theft at robbery.     Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26 na inaresto sa Estrella Avenue sa  Bgy. Poblacion, Makati City ng mga operatiba ng BI fugitive search […]

  • LTFRB: 2 bus consortiums binigyan ng show-cause orders

    Binigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dalawang (2) bus consortiums na pumapasada sa EDSA Busway dahil sa alegasyon na hindi sila nakapaglaan ng hustong dami ng public utility buses (PUBs).       Inutusan ng LTFRB ang ES Transport at Partners and Mega Manila Corp. na magbigay ng kanilang paliwanag kung […]

  • Muling pagbubukas ng ekonomiya, mapakikinabangan ng domestic inflation -NEDA

    MAPAKIKINABANGAN ng domestic inflation rate ang katiyakan na magpapatuloy ang muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa dahil babagal ito ng 3% ngayong Enero 2022.     “The sustained deceleration of domestic rate of price increases in January, from month ago’s 3.2 percent, is among the positive economic developments in the domestic economy to date,” ayon […]