Kelot isinelda sa baril sa Caloocan
- Published on June 14, 2023
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, Phase 2 Barangay 171 Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Calooccan Police Sub Station 9 na illegal na nag-iingat umano ng baril ang suspek.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Raymundo G. Vallega, Executive Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130, Caloocan City para sa paglabag sa Section 28 (a) of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) ay hinalughog ng mga tauhan ng SS9 sa pangunguna ni P/Major Jose Hizon ang loob ng bahay ng suspek dakong alas-4:40 ng hapon.
Nakumpiska ng mga pulis sa loob ng kanyang bahay ang isang cal. 38 revolver na kargado ng isang bala at nang hanapan siya ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang arestuhin siya.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act).
Pinuri naman ni NCRPO Director, P/MGen Edgar Alan Okubo ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap para labanan ang iligal na pag-aari at kalakalan ng mga baril. (Richard Mesa)
-
PBA papayagan na ang mga audience sa mga laro
PAPAYAGAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang panonood ng mga audience sa darating na Pebrero 16. Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ito ang naging desisyon nila matapos na 100% na mga manlalaro nila ay bakunado na sa COVID-19. Aabot na rin sa 95 percent rin sa mga manlalaro […]
-
Westbrook: ‘Gagalingan ko ang pag-asiste sa laro ni Anthony Davis’
Tiniyak ni Russell Westbrook na mas matindi ang ibibigay niyang suporta sa big man ng Lakers na si Anthony Davis. Ginawa ni Westbrook ang pahayag matapos ang kanilang first official practice. Ipinagmalaki ni Westbrook na walang katulad si Davis sa NBA ngayon na maraming nagagawa ang size nito. Kaya […]
-
3 timbog sa buy bust sa Malabon
Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Amado Amano, 50, Blesilda Dela Cruz, […]