• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot, kalaboso sa bakal sa Caloocan

SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos inguso sa pulisya na may bitbit na bakal habang gumagala sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Mahaharap ang suspek na si alyas “Dagul”, 25, sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ecille Canals hinggil sa isang lalaki na gumagala habang may bitbit umanong baril na nagdulot ng pangamba sa mga residente sa Morning Star St., Brgy. 178.

Agad namang remesponde sa lugar ang mga tauhan ni Col. Canals kung saan naabutan nila ang suspek na hawak umanong baril na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-3:40 ng madaling araw.

Nakumpiska kay alyas Dagul ang isang kalibre .9mm revolver na kargado ng limang bala at walang kaukulang mga dokumento habang inaalam pa ng pulisya kung nasangkot na ang suspek sa illegal na mga gawain.

Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director of the Northern Police District (NPD) ang mabilis at epektibong pagkilos ng mga tauhan ng Caloocan police. “This operation demonstrates our unwavering commitment to public safety, especially during the election period,” ani Ligan. (Richard Mesa)

Other News
  • Housing turnover ceremony, pinangunahan ni PBBM

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan  nito ang ‘housing gaps’ sa Pilipinas.     Si Pangulong Marcos ay nasa Naic, Cavite kung saan pinangunahan ang ‘awarding of certificates’ ng house and lot sa mga benepisaryo ng housing project ng National Housing Authority (NHA).     Tinatayang nasa 30,000 housing units na ang naipamahagi […]

  • Wala ng aktibong NPA guerrilla fronts sa Pinas

    WALA ng aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts sa Pilipinas.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resulta ito ng matagumpay na pinaigting na kampanya ng administrasyon laban sa internal threats.     Sa isang video na in- upload sa kanyang social media accounts, araw ng Sabado, Enero 13, pinuri ni Pangulong […]

  • Pinoy athletes, kanya-kanya ring diskarte sa gitna ng COVID pandemic

    Pumapatok ang mga negosyo ng Filipino athletes na kanilang paraan sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Tulad nalang ng Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Blackwater Elite forward Carl Bryan Cruz at ng kanyang girl friend na nagtitinda ng cleaning and disinfectant tools tulad ng alcohol, dishwashing liquid at iba pa. […]