• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot, kulong sa pagbinta ng shabu sa pulis sa Valenzuela

KALABOSO ang 39-anyos na lalaki na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga nang pagbintahan umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, sinabi ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Capt. Joan Dorado na isinagawa nila ang buy bust operation nang magawa ng isa sa kanyang mga tauhan na makipagtransaksyon kay alyas “Jek-Jek” na taga-Caloocan City.

Nang matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target, agad lumapit ang back up na operatiba saka dinamba ang suspek dakong alas-11:00 ng gabi sa 3rd St. beside Andoks Manok, Brgy. Marulas.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 31 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P210,800, buy bust money na isaang P500 bill at 14-pirasong P500 boodle money at P200 recovered money.

Ani PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Pinapurihan ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap at didekasyon sa paglaban sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • Kasama ang blue dress na ginamit sa 60th Bb. Pilipinas: PIA, ipapa-auction ang mga gown na sinuot sa Miss Universe 2015

    IPAPA-AUCTION ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang mga gown na sinuot sa kanyang journey bilang Miss Universe titleholder.     Kinumpirma ito ni Pia pagkatapos ng kanyang judging stint sa Binibining Pilipinas 2024.     On Instagram, pinasalamatan ni Pia ang local designer Mark Bumgarner para sa blue dress na sinuot niya sa Bb. […]

  • Ads November 24, 2022

  • LTO, target na gawing fully digital ang aplikasyon ng Student Permit at Drivers License

    INIHAYAG ng Land Transportation Office na plano nilang gawing fully digital ang aplikasyon sa pagkuha ng mga Student Permit, Driver’s License at renewal.     Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, doble effort ang ginagawa ng kanilang ahensya upang matugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     […]