Kelot na-curfew nagbigay ng maling pangalan, kalaboso
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Lalong nabaon sa asunto ang isang 30-anyos na lalaki na nagtangkang umiwas sa pagbabayad ng multa sa pamamagitan ng pagbibigay ng maling pangalan makaraang mahuling lumabag sa curfew sa Navotas city.
Sa ulat na tinanggap ni Acting Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, sinita ng mga tauhan ng Navotas police si Andrew Fernandez, 30 ng C-11 Kapitbahayan, Brgy. NBBS-Kaunlaran alas-12 ng hatinggabi habang naglalakad sa kanto ng Lapu-Lapu at Dalag Streets sa Brgy. NBBS Dagat-Dagatan na malinaw na paglabag sa umiiral na curfew.
May katapat na pagbabayad ng P1,000. multa ang paglabag sa naturang ordinansa kaya’t nang tanungin ng mga pulis ang kanyang pangalan para sa pagi-isyu sa kanya ng Ordinance Violation Receipt (OVR), nagpakilala siya bilang si Andrew Villaruel.
Habang isinusulat ng mga pulis sa OVR ang kanyang pangalan, hinanapan siya ng Identification Card upang maberipika kung may iba pa siyang kasong kinakaharap at dito natuklasan na Andrew Fernandez at hindi Andrew Villaruel ang tunay niyang pangalan.
Sa halip na multa lamang ang katapat sa nagawang paglabag sa ordinansa, kalaboso si Fernandez na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 178 ng Kodigo Penal o Using fictitious name or Concealing true name sa piskalya ng Navotas. (Richard Mesa)
-
Ads March 30, 2023
-
Presyo ng bilihin, pinangangambahanag tataas matapos ang bagyo
PINANGANGAMBAHANG tataas ang presyo ng bigas, gulay, manok, isda at iba pang produkto matapos tumama ang supertyphoon na si Egay (international name Doksuri) sa ,gaa sakahan at coastal areas partikular sa Central at Northern Luzon regions. Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas secretary general Ronnie Manalo, mas lalong tataas ang presyo ng pagkain […]
-
Yulo kaya ang Olympic gold – Carrion-Norton
TIWALA ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP)na kakayanin ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na mabigyan ng unang gold medal ang mga Pinoy sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemya. Ito ang walang takot na pinahayag nitong Biyernes ni GAP president Cynthia Carrion-Norton, […]