• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na most wanted sa rape, dinampot sa Valenzuela

ISANG 31-anyos na lalaki na listed bilang most wanted sa panggagahasa ang nasakote ng pulisya sa manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong akusado bilang si Ron Renee Candaza alyas “Enel”, 31 ng of No. 28 A. Lozada Street, Brgy. Palasan.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Karuhatan.

 

 

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Robin Santos, kasama ang Station Intelligence Section (SIS) sa pamumuno ni PCPT Ronald Sanchez at 5th MFC, RMFB, NCRPO ng joint manhunt operation sa A. Pablo Street, Brgy. Karuhatan, dakong ala-1:16 ng hapon na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado.

 

 

Ani PLt Bautista, hindi naman pumalag ang akusado nang isilbi nila ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City noong August 18, 2022, para sa kasong Rape by Sexual Assault, Acts of Lasciviousness, Violation of Sec. 5(b) of R.A. 7610 (2 counts).

 

 

Pinuri ni BGen Peñones ang Valenzuela CPS sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaarresto sa akusado na pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng VCPS habang hinihintay pa ang ilalabas na commitment order ng hukuman. (Richard Mesa)

Other News
  • Victolero, Magnolia sa Enero uli kakahig

    NAKAHANDA na ang mga balak ni Ercito ‘Chito’ Victolero para sa kanyang Magnolia Hotshots para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA 2021) Philippine Cup na magbubukas sa darating na Abril 9.   “Plano, second week of January baka balik-training na kami,” bulalas ng Pambansang Manok coach nitong Lunes.   Inaabangan na lang ng koponan na lang […]

  • KIM, iniyakan na ‘di natuloy sa lock-in taping kasama sina JENNYLYN at XIAN dahil biglang nag-positive sa COVID-19

    INIYAKAN ni Kapuso actress Kim Domingo na hindi siya natuloy makasama sa lock-in taping ng bago sana niyang teleserye na Love, Die. Repeat. na unang pagtatambalan nina Jennylyn Mercado at new Kapuso actor na si Xian Lim.     Ibinahagi ni Kim ang dahilan ng hindi niya pagkatuloy sa kanyang Instagram.     “Nagpositibo ako sa COVID-19. Hindi […]

  • Boxing, horse racing pinayagan na ng IATF

    Pinayagan nang makabalik sa paglalaro ang professional boxers at horse racing, maging ang mga lisensyadong individual sa industriya mula sa Games and Amusements Board (GAB), habang inaasahang darami pa ang sports  na posibleng payagan sa mga lugar na pinapatupad ang mas pinagaan na General Community Quarantine.   Ito ang ginawang paglilinaw ng GAB sa mga […]