• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na nag-abandona sa pamilya, arestado sa Malabon

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na lalaki matapos arestuhin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest nang kasuhan siya ng dating kalive-in makaraang mabigong sustentuhan ang lima nilang anak sa Malabon City.

 

 

Nagmakaawa pa si Mondido Rosales sa dating kalive-in na itinago sa pangalang “Gina” na patawarin na siya sa ginawang pag-abandona sa pamilya matapos sumama sa mas batang kinakasama subalit nagmatigas na tinanggihan ito ng ginang.

 

 

Ayon kay P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon, isa sa mga umaresto sa akusado, na nagsimulang umasim ang relasyon ng akusado at ng ginang matapos magsimulang mambabae umano si Rosales ay noong taong 2019 at tuluyan umanong inabandona ng lalaki ang kinakasama sa kabila ng pagkakaroon na nila ng limang anak para pakisamahan ang mas batang kasintahan.

 

 

Noong una’y nagpapadala pa ng sustento si Rosales para sa limang bata subalit nang mawalan ng trabaho bunga ng pandemya, natigil na ang pagbibigay niya ng sustento hanggang sa sampahan siya ng kaso ni Gina noong Disyembre ng taong 2021.

 

 

Nang maglabas na ng warrant of arrest si Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Branch 73 laban kay Rosales nito lamang Agosto 11, 2021, kaagad na iniutos ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot kay Warrant and Subpoena Section head P/CMSgt. Gilbert Bansil ang pagtugis sa akusado.

 

 

Dakong alas-9 ng gabi nang maisilbi nina P/SMSgt. Joey Sia at PMsgt. De Leon kay Rosales ang arrest warrant sa kanyang tirahan sa 144 Arasity St. Brgy. Tinajeros. (Richard Mesa)

Other News
  • OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU

    NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.   […]

  • Sektor na malapit sa kanyang puso: Sen. IMEE, nakipag-bonding sa mga millennial na magsasaka

    ISASARA ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog series para sa buwan ng Enero sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan.     Sa araw na ito, Enero 27 at sa Sabado, Enero […]

  • ORGANIZERS NG OLYMPICS NATUWA SA BALITA NA MAY COVID-19 VACCINE NA

    IKINATUWA ng Tokyo Olympics organizers ang balitang mayroon ng coronavirus vaccine pero sinabi nitong tuloy pa rin ang kanilang mahigpit na bio- security planning para sa naunsiyameng Games.   Ayon sa Olympic officials, hindi basehan ang pagkakaroon ng COVID-19 para matuloy o maidaos ang Olympics sa 2021.   Pero sinabi nito na kung magkakaroon ng […]