Kelot na nanggulo sa bilyaran habang armado ng baril sa Caloocan, kalaboso
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
BINITBIT sa selda ang isang lalaki na taga-Manila matapos dumayo at manggulo habang armado ng baril sa isang bilyaran sa Caloocan City.
Sa pahayag sa pulisya ng mga saksi, bigla na lamang umanong nakialam ang 24-anyos na suspek na si alyas “Boy Siga” sa mga naglalaro ng bilyar sa M. Austria Street, Barangay 88, saka bumunot ng baril na nagdulot ng takot sa mga tao sa lugar.
Agad namang humingi ng tulong ang isang concerned citizen sa mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals na mabilis namang rumesponde sa nasabing lugar.
Sa tulong ng mga saksi, nakita ang baril ng suspek na isang kalibre .40 pistola na kargado ng bala at nang wala siyang naipakitang mga dokumento hinggil sa ligaledad nito ay pinosasan siya ng mga pulis saka binitbit.
Ayon kay Col. Canals, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Article 155 of the Revised Penal Code (Alarm and Scandals), RAct 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinapurihan ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang mabilis na aksyon at dedikasyon ng mga tauhan ni Col. Canals na binibigyan-diin ang kanilang pangako para sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)
-
Ads July 22, 2021
-
BEA, sasagutin ang ilan sa mga pinakamahihirap na tanong sa ‘TBATS’; guestings muna habang hinihintay si ALDEN
SIMULA na ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo ng pagtatrabaho sa GMA Network, pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract last July 1. Miss na rin daw magtrabaho ni Bea after nilang bumalik sa short US vacation kasama ang boyfriend na si Dominic Roque. Kaya humanda na sa good vibes […]
-
13 bagong appointees, itinalaga ni PBBM
IPINALABAS ng Malakanyang ang mga pangalan ng 13 bagong appointees kabilang na si dating Foreign Affairs at Justice undersecretary Brigido Dulay. Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dulay bilang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP). Kasama rin sa listahan ang bagong apat […]