• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na problemado sa relasyon sa ka-live-in, may arrest warrants, nagbigti, todas

MATAPOS ang dalawang araw na pagkaka-comatose sa pagamutan, binawian ng buhay ang isang lalaking akusado sa pagnanakaw at problemado sa relasyon sa kanyang live-in partner makaraang magbigti sa Navotas City.

 

 

Alas-3:28 kamakalawa ng hapon nang ideklarang patay ng mga doktor sa Navotas City Hospital ang 29-anyos na biktima na naunang nadiskubre ng kanyang 20-anyos na live-in partner na nakabitin sa terrace ng kanilang tirahan sa Raja Matanda St. Brgy. Daang Hari dakong alas-8:30 ng gabi noong Biyernes.

 

 

Sa imbestigasyon ni Navotas homicide investigator P/Cpl. Florencio Nalus, alas-7 ng gabi noong Biyernes nang ipabatid ng biktima sa kanyang live-in partner na magpapahinga lamang siya sa terrace ng kanilang tirahan subalit nang hindi pa bumaba para maghapunan, pinuntahan ng ginang ang kinakasama at dito niya nakitang nakabitin ang kinakasama gamit ang lambat na duyan.

 

 

Humingi ng tulong sa kanyang mga kaanak ang ginang upang mapatid ang taling nakapulupot sa leeg ng biktima at kaagad nila itong isinugod sa naturang pagamutan kung saan dalawang araw siyang na-comatose bago tuluyang binawian ng buhay.

 

 

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na may problema umano sa pakikipag-relasyon ang biktima sa kanyang live-in partner, batay na rin sa naging pahayag ng kanyang kaanak, bukod pa sa may nakabimbing mga kaso sa sala nina Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano ng Branch 55 at Judge Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto ng Branch 120 ng Malabon City sa salang pagnanakaw. (Richard Mesa)

Other News
  • Agri damage dahil sa Habagat, Egay, Falcon, pumalo na sa P2.9 billion –NDRRMC

    UMABOT na sa P2.9 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa  Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng mga bagyong  Egay at Falcon.     Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang  Department of Agriculture (DA) ay nakapagtala ng P2,944,689,603.82 sa production loss […]

  • Hard to tell yet- Herbosa

    SINABI ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mahirap pang sabihin kung ang bagong pagbaba sa kaso sa National Capital Region ay simula na ng downward trajectory ng infections.     Tinanong kasi si Herbosa kung ang pagbaba ng kaso sa NCR ay nangangahulugan na ang surge dahil sa […]

  • Hepe ng LTFRB, sinuspinde ni PBBM

    SINUSPINDE ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang puwesto si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III sa gitna ng usapin ng korapsyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO)  na ipinag-utos ng Pangulo ang agarang imbestigasyon sa usapin lalo pa’t hindi nito kinukunsinti ang […]