• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na wanted sa kasong rape sa Valenzuela, nabitag sa Occidental Mindoro

HINDI inakala ng 30-anyos na lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela na matunton pa siya ng tumutugis na mga pulis sa kanyang pinagtataguan sa Mamburao. Occidental Mindoro.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa nasabing lugar ang akusadong si alyas “Jonathan” na kabilang sa mga Most Wanted Person sa lungsod kaya agad siyang bumuo ng team mula sa Warrant and Subpoena Section (WSS) at Station Intelligence Unit.
Nakipag-ugnayan si Col. Cayaban sa 402nd Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion (MC-RMFB), 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Mamburao Municipal Police Station sa Occidental Mindoro bilang koordinasyon sa gagawing pagdakip ng kanyang mga tauhan sa akusado.
Dakong alas-6:40 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang akusado sa tinitirhan niyang bahay sa GCFI Farm II, Brgy Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro, makalipas magtago ng mahigit 10-taon makarang maharap sa kasong panggagahasa.
Maayos namang naisilbi sa akusado ang warrant of arrest na inilabas noong Enero 9, 2015 ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Branch 75, Presiding Judge Lilia Mercedes Encarnacion A. Gepty.
Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni alyas Jonathan na pansamantalang ipiniit sa custodial facility ng Valenzuela Police Station habang hinihintay ang utos ng korte sa paglilipat sa kanya sa Valenzuela City Jail. (Richard Mesa)
Other News
  • Sparring ni Pacquiao level-up na!

    Mas lalong patataasin ni Hall of Famer Freddie Roach ang lebel sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.     Kabilang sa estratehiya nito ang paghamon sa lahat ng sparring mates na isasabak nito kay Pacquiao kung saan bibigyan ng mahusay na trainer ng pabuya ang […]

  • WHO, ikinalungkot ang pagkalas ng US sa kanilang organisasyon

    NANGHIHINAYANG ang World Health Organization (WHO) sa anunsyo ng Estados Unidos na umalis mula sa organisasyon. Ang WHO ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa kalusugan at seguridad ng mga tao sa buong mundo, kabilang ang mga US nationals, sa pamamagitan ng pagharap sa mga ugat ng sakit, pagpapalakas ng mga sistema ng kalusugan, at […]

  • Matagumpay at maningning ang launching: BODIES NEXT GEN, ni-revive ang hit song na “Kiliti”

    SA lahat ng launching sa artista o singer ang BODIES NEXT GEN ng Premiere Water Plus Productions ang masasabi naming pinaka-bongga at makulay. At kitang-kita na ginastusan at pinaghandaan talaga ni Madam Marynette Gamboa at ng anak na si Direk Gary Gamboa at ng kanyang team ang naturang event. Imagine, napagsama ni Madam Marynette, ang love […]