• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na wanted sa rape sa Valenzuela, nasilo sa Laguna

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kaso ng panggagahasa sa Lungsod ng Valenzuela matapos makorner ng pulisya sa manhunt operation sa Sta. Cruz Laguna.

 

 

Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng 37-anyos na akusado na kabilang sa mga most wanted person sa lungsod.

 

 

Inatasan ni Col. Cayaban ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado.

 

 

Kaagad namang ikinasa ng WSS ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang pinagtataguang lugar sa Brgy. Palasan, Sitio 5, Sta. Cruz Laguna, dakong alas-9:30 ng gabi.

 

 

Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Regional Trial Court Branch 16-FC, Valenzuela City noong July 8, 2019 para sa kasong Rape.

 

 

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nakapiit ngayon sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang commitment order mula sa hukuman.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cayaban at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • Speech sa SONA, fine-tuning na lang-PBBM

    FINE-TUNING na lang ang ginagawa nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa magiging talumpati niya sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansang Complex sa Quezon City.     “Tuloy tuloy pero yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa […]

  • Pang-5 housing project sa Maynila, sinimulan na

    Inumpisahan na ang kons­truksyon ng ikalimang hou­sing condominium project sa San Andres Bukid, Maynila na layong mabigyan ng permanenteng bahay ang mga ‘informal settlers’ at nangu­ngupahan sa lungsod.     Sa kabila na bagong ga­ling pa lamang sa COVID-19, sabak agad sa trabaho si Manila City Mayor Isko Moreno sa pangunguna sa ‘groundbrea­king ceremony’ ng […]

  • Colleges, universities planong lagyan ng ‘Register Anywhere’ ng Comelec

    PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay pa ng mas ma­raming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasaluku­yang nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng RAP ang ilang kolehiyo […]