• December 6, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot nagbigti dahil sa depresyon

Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city.

 

 

Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero.

 

 

Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong 1 ng hapon, papasok sana sa banyo ang 8-anyos na pamangkin babae ng biktima upang umihi.

 

 

Subalit, laking gulat na lamang ng bata nang makita niya ang kanyang uncle na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang lubid.

 

 

Kaagad niyang sinabi sa kanyang mga kaanak ang natuklasan saka i-nireport ng mga ito sa pulisya ang insidente.

 

 

Sa isinagawang imbestigasyon, gumawa ng isang waiver ang mga kaanak ng biktima na naniniwala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay ni Urbano. (Richard Mesa)

Other News
  • ANDREW, labis-labis ang pasasalamat sa Diyos dahil naging maganda ang 2021 at looking forward ngayong 2022

    AMINADO ang sikat na rapper-comedian na si Andrew E na naging maganda ang kanyang 2021 kahit na marami pa rin ang apektado ng pandemya na dulot ng COVID-19 na sa pagpasok ng bagong taon ay tumaas na naman dahil sa Omicron variant.     Natanong kasi si Andrew kung ano ang assessment niya sa kanyang […]

  • Ads October 15, 2022

  • PNP naghahanda sa Alert Level 1

    PINAGHAHANDA na ni (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng commander sa National Capital Region (NCR) sa posibleng pagpapatupad ng Alert Level 1 status bunsod na rin ng rekomendasyon ng Metro Manila Mayors simula Marso 1.     Ayon kay Carlos, kasama sa paghahanda ay ang pinalakas na police visibility upang matiyak na nasusunod […]