Kelot tigbak sa sapak ng kapitbahay
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
DEDBOL ang isang 42-anyos na lalaki matapos bumagsak sa tulay na kahoy habang nakikipagsuntukan sa kanyang kapitbahay makaraan ang pagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Ruel Asignado, 42 ng 38 C. Arellano St. Brgy. San Agustin habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Sub-Station 6 ang suspek na kinilalang si Richard Dagumo, 36, helper.
Sa imbestigasyon nina P/SMSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, naglalakad pauwi ang biktima dakong 7:50 ng gabi nang aksidente nitong mabangga ang kahoy na dingding ng bahay ng suspek.
Kinompronta ng suspek ang biktima na naging dahilan ng kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa mauwi ang mga ito sa suntukan.
Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Ruminda Ibasate, 37, nahulog sa improvised na tulay na kahoy ang biktima makaraang masapul ng suntok ng suspek.
Iprinisinta ang suspek sa inquest proceedings para sa kasong homicide sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
CHERIE, ‘di pa rin malinaw ang rason kung bakit ‘di tinapos ang taping sa ‘Legal Wives’
NAGING topic ang pag-alis ni Ms. Cherie Gil at hindi na niya tinapos ang last cycle ng GMA Network Primetime cultural drama na Legal Wives na nagtatampok sa kanya at kina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres, sa direksyon ni Zig Dulay. Walang sinabing reason si Cherie bakit niya hindi tinapos ang serye, […]
-
Inatasan ang DBM na maglabas ng pondo
Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa mga kababayan natin na apektado ng pagsabog ng Bulkang Mayon ang tulong at suporta ng gobyerno sa kanila. Pinasisiguro din ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) ang kakailanganing budget para sa pagpapatuloy ng pagtugon ng pamahalaan sa pinakahuling aktibidad ng […]
-
Ilang motorista, maagang nagpagasolina bago pumatak ang panibago na namang big-time oil price hike
ILANG oras pa bago pumatak ang panibagong oil price hike na ipapatupad ngayong linggo ay maaga nang pumila ang ilan sa ating mga kababayang tsuper ng mga pribado at pampublikong transportasyon. Batay kasi sa inilabas na abiso ng mga oil companies, papalo sa Php2.15 ang itataas ng presyo sa kada litro ng gasolina, […]