• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KELOT TIKLO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA

KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buu bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong suspek na si Edmond Carreon alyas “Monmon”, 23 ng 96 F. Bautista St., Brgy., Marulas.

 

 

Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, nakatanggap ang mga operatiba ng SDEU ng impormasyon mula sa kanilang regular confidential informant hinggil sa  pagbebenta umano ng shabu si Carreon na naging dahilan upang ikasa ng mga ito ang buy bust operation kontra sa suspek sa F. Bautista Street dakong alas-6 ng umaga.

 

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Nakuha sa suspek ang tinatayang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money at cellphone.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act Of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Valentine’s Day spending ng mga Pilipino nakikitang makakatulong sa ekonomiya ng bansa

    NANINIWALA ang ilang mga ekonomista na makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagiging romantic ng mga Pilipino, lalo na ngayong Valentine’s Day.     Sa isang panayam, sinabi ng ekonomista na si Ser Percival Peña-Reyes na maaring tapatan ng Valentine’s Day spending ng mga Pilipino ang halaga ng mga ginastos noon namang Pasko.     […]

  • “BE BOLD, BE BRAVE, BE GRAND” para gawing makatotohanan ang “BAGONG PILIPINAS”

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lokal na opisyal na binubuo ng League of Municipalities (LMPs) na ipagpatuloy lamang ang pakikipagtulungan at makatrabaho ang gobyerno upang maging makatotohanan ang Bagong Pilipinas.     Binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pinag-isang aksyon upang makamit ang Sustainable Development Goals (SDGs) ng Pilipinas.   […]

  • VP Leni, nakipagkita na sa team ni Sara Duterte para sa transition talks

    NAKIPAGKITA na si outgoing Vice President Leni Robredo sa mga kinatawan ni Vice President-elect Sara Duterte para sa transition talks.     Winelcome ni Robredo at binigyan ng tour ang transition team ni Duterte sa naging pagbisita ng mga ito sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City.     Sa naging pagpupulong, […]