• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KELOT TIMBOG SA MARIJUANA

Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos mabisto ang dalang marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Art 151 ang suspek na si Kendrick Dolar, ng 1233 Medina St. Brgy. Gen. T. De Leon.

 

Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSg Carlos Erasquin Jr, alas-12:10 ng tanghali, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Sub-Station 2 sa kahabaan ng Bitik, Medina St. Brgy. Gen. T. De Leon nang sitahin ni PCpl Alfonso Hementera ang suspek na sakay ng bisikleta dahil walang suot na face mask.

 

Gayunman, hindi nakipagtulungan at pumalag pa ang suspek sa mga pulis na naging dahilan upang arestuhin ito at nang kapkapan ni PSSg Alvaro Vargas ay nakuha sa kanya ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P600,00 ang halaga, glass pipe na may laman ng sunog na marijuana at disposable lighter. (Richard Mesa)

Other News
  • Isinantabi ang pasaringan: ‘We wish Mayor Isko Moreno good health”- Sec. Roque

    “We wish Mayor Isko Moreno good health. We hope that he gets well soon.”   Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos makarating sa kaalaman na nagpositibo sa Covid-19 ang Alkalde.   Si Moreno ay bakunado na ng Sinovac.   Ayon kay Sec. Roque, hindi naman talaga sinasabi ng mga eksperto na ang […]

  • Kasamang manonood ng ‘Eras Tour’ ni Taylor Swift: IVANA, mamimigay ng VIP ticket and all-expense paid trip sa Singapore

    ANG bongga talaga ng pakulo ng Kapamilya sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi para sa kanyang loyal fans at social media followers.     Last Saturday nga nang i-announce ng YouTube personality na mamimigay siya ng isang VIP tiket para ‘Eras Tour’ ni Taylor Swift, kasama ang all-expense paid trip.     Magaganap ang “Eras Tour” ng […]

  • Tsunami dahil sa pagsabog ng bulkan sa Tonga naramdaman sa Japan at California

    NARAMDAMAN ang pagtaas ng tubig sa karagatan ng Japan at California dulot ng bahagyang tsumani dahil sa pagputok ng underwater volcano sa Tonga.     Unang pumutok ang Hunga-Tonga-Hunga-Ha’apai volcano na matatagpuan sa Fonafo’ou island sa Tonga noong Biyernes na sinunda nitong Sabado.     Nagpakawala ng makapal na abo, gas at kumukulong usok na […]