KELOT TIMBOG SA SHABU NA PINALAMAN SA PANDE COCO
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
BALIK-kulungan ang isang lalaki na dadalaw lang sa kanyang dating kapwa mga inmates matapos makuhanan ng shabu na ipinalaman sa tinapay sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Francisco Paquiado, 23 ng 1346 DM Cmpd. Heros Del 96, Brgy, 73 na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Sa imbestigasyon ni PCpl Rafael Tuballes, habang naka-duty sina PCpl Sarjhun Bello at PSSg Erikcson Lising sa West Grace Park Police Sub-Station (SS3) dakong alas-9:20 ng gabi nang dumating ang suspek para bumisita at magdala ng pagkain sa kanyang dating kapwa mga inmates.
Bilang parte ng standard operation procedure at existing policies, kinapkapan ni PCpl Bello ang suspek saka sinuri ang dala nitong pagkain at napansin ng pulis ang isa sa mga tinapay (pande coco) ay kahina-hinala dahil sa maliit na butas.
Nang tignan sa harap ng suspek at iba pang naka-duty na mga pulis, nakuha sa loob ng tinapay ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P816 ang halaga na naging dahilan upang arestuhin si Paquiado.
Ayon kay Col. Mina, dating nakulong ang suspek sa SS3 mula June 20, 2021 hanggang September 2, 2021 dahil sa paglabag sa PD 1602 (Cara y Cruz). (Richard Mesa)
-
Heat pinalawig ng apat na taon ang kontrata ni Herro
PINALAWIG pa ng Miami Heat ang kontrata ng kanilang guard na si Tyler Herro ng apat na taon. Ayon sa koponan na nagkakahalaga ng $30 milyon kada season ang nasabing kontrata nito. Sinabi ni Heat president Pat Riley na isang multi-faceted player si Tyler kaya hindi na nila ito binitawan. […]
-
Sofia, ‘di mawawala o papatayin sa kuwento
SINIGURADO ng director ng Prima Donnas na si Direk Gina Alajar na kahit na hindi nila nakasama sa lock- in taping ang isa sa tatlong girls ng serye na si Sofia Pablo, hindi ito mawawala o papatayin sa kuwento. Kaya matutuwa ang mga fans ng Prima Donnas girls. Ayon kay Direk, “Si Sofia, […]
-
Nagpakilalang pulis, senglot na sekyu kulong
Kalaboso ang isang lasing na security guard matapos magpakilalang pulis habang nagwawala umano sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Si Francisco Ladrera, Jr. 42 ng Phase 7B Blk 33, Lot 22 Brgy. 176 Bagong Silang ay inaresto ng rumespondeng mga tauhan ng Llano Police Sub-Station 7 matapos walang maipakitang police identification card at sa halip […]