Kelot tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon
- Published on October 3, 2024
- by @peoplesbalita
DUGUANG humandusay ang katawan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo habang nakatayo sa harapan ng inuupahang apartment sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si alyas “Gob”, kilala rin sa alyas “Ka Rodel” matapos isugod ng kanyang mga kalugar.
Mabilis namang tumakas ang gunman sakay ng motorsiklong minamaneho ng kasabuwat patungo sa hindi nabatid na lugar, bitbit ang ginamit na hindi pa batid na kalibre ng baril.
Sa ulat nina P/MSgt. Michael Oben at P/SSgt. Bengie Nalogoc kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, habang nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang tinitirhang apartment sa16-F Villarba St. Brgy Tinajeros nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong alas-8 ng gabi.
Kaagad umanong naglabas ng baril ang angkas at pinagbabaril ang biktima sa katawan na nasaksihan ng 26-anyos na testigo na residente rin sa naturang lugar.
Nakuha sa lugar na pinangharihan ng krimen ng mga tauhan ng Northern Police District Forensic Unit (NPD-FU) ang walong basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril.
Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga suspek at maaresto ang mga ito habang inaalam pa ang motibo sa pamamaslang sa biktima. (Richard Mesa/ Ludwig Lechadores)
-
APOSTOLIC NUNCIO, BUMISITA S AMANILA CITY HALL
BUMISITA kahapon si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa Manila City hall. Sa kanilang maikling pag-usap, pinuri ni Archbishop Brown si Mayor Isko Moreno dahil sa magadang nagawa nito sa Maynila . Nagpasalamat naman si Domagoso sa Apostolic Nuncio na sa tulong ng mga kapulisan at national government ay maayos […]
-
4 na cabinet members ni British PM Johnson nagbitiw
NAGBITIW sa kanilang puwesto ang apat na senior aides ni British Prime Minister Boris Johnson. Kasunod ito sa pressure dahil sa mga kontrobersiyang kinakaharap ni Johnson. Kinabibilangan ito nina director of communications Jack Doyle, policy head Munira Mirza, chief of staff Dan Rosenfield at senior civil servant Martin Reynolds. […]
-
MPTC mamumuhunan ng P2B upang pagdugtungin ang CAVITEX, CALAX
Maglalaan ang Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ng P2 billion upang pagdugtungin ang Cavite Toll Expressway (CAVITEX) at Cavite-Laguna Expressway (CALAX). Ito ang pahayag ni Roberto Bontia, president at general manager ng MPTC-unit ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), sa isang virtual briefing na ginanap. Sinabi rin ni Bontia na ang construction ng isang […]