• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot todas sa pakikipagbarilan sa pulis sa Caloocan

Dedbol ang isang 22-anyos na lalaki matapos makipagbarilan sa pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, nagsasagawa ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua ng detective patrol sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong 5:30 ng hapon nang maispatan ni P/Cpl. Leobert Rivera si Anlou Resusta, ng Phase 8, Bagong Silang na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang habang sakay ng isang motorsiklo.

 

 

Sinita ni PCpl. Rivera si Resusta subalit, sa halip na huminto ay biglang pinaharurot ng suspek ang kanyang minamanehong motorsiklo na naging dahilan upang habulin siya ng pulis.

 

 

Nang mapansin ng suspek na hinahabol siya ng pulis, binunot nito ang kanyang baril at pinaputukan si Cpl. Rivera na naging dahilan upang mapilitang gumanti ng putok ang parak hanggang sa tamaan sa katawan si Resusta.

 

 

Isinugod ang suspek ng mga tauhan ng SS-12 sa Bermudez Hospital subalit, kalaunan ay inilipat ito sa Caloocan City North Medical Center kung saan siya idineklarang dead-on-arrival sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.

 

 

Narekober ng mga tauhan ng Northern Police District-Crime Laboratory Office (NPD-CLO) na rumesponde sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng caliber .9mm pistol habang ang Armscor .9mm pistol na may magazine at kargado ng limang bala ay nakuha naman sa nasawing suspek.

 

 

Sinaboini Col. Mina na inaalam na ni case investigator P/Cpl Karl Piggangay kung may criminal background ang nasawing suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Acting Sec. Ridao, itinalagang OIC ng PCO ni Sec. Chavez

    ITINALAGA ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar B. Chavez si Senior Undersecretary Emerald Anne R. Ridao bilang Officer-in-Charge ng PCO.     Sa ipinalabas na Special order No. 25-044 ni Chavez, layon nito na tiyakin na magpapatuloy ang operasyon ng PCO.     Si Ridao ay uupo bilang OIC ng PCO mula Pebrero 17 […]

  • Pinarangalan din ang iba pang Asian actors: Direk NIJEL, back-to-back win sa international film festival sa Osaka, Japan

    ANG award-winning International Filmmaker, Direk Nijel de Mesa (na mula Njel ay ginawa nang Nijel ang name niya) ay muling maipagmamalaki ng Pilipinas sa pagkapanalo ng sunud-sunod na mga parangal para sa “Best Director” at “Best Cinematographer” sa katatapos na Ima Wa Ima Asian International Film Festival sa Osaka, Japan.     Ito ay inorganisa […]

  • MMDA: 1-2 a.m., deadliest hour sa mga kalsada sa NCR

    NAGANAP ang mga aksidenteng nakamamatay sa Metro Manila noong 2019 sa oras na ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-2:00 ng madaling araw, hango sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Ito ay batay sa hourly accident tally ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System.   Sa kabila ng magaang daloy ng trapiko […]