• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Key players may tsansa pa sa National Team

Magsisilbing basehan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference para punan ang nalalabing slots sa national team.

 

 

Ayon kay women’s national team head coach Odjie Mamon, may ilang slots pa itong kailangan sa koponan kabilang na ang libero, setter at outside hitter positions.

 

 

“We definitely need ano­ther setter and another libero because the current ones we have on the lineup are young. So we need a veteran libero to beef up the team,” ani Mamon

 

 

Dahil dito, may pagkakataon pang makapasok sa national team ang ilang key players na bigong makapunta sa volleyball tryouts noong Abril sa Subic.

 

 

Kabilang na rito sina Alyssa Valdez, Kalei Mau, Rhea Dimaculangan, Kim Fajardo, Dindin Santiago-Manabat, Jia Morado at Dawn Macandili.

 

 

Wala rin sa tryouts sina Myla Pablo, Ces Molina, Kat Tolentino, MJ Phillips, Kim Dy, Alleiah Malaluan, Risa Sato, Bea De Leon, Maddie Madayag, Marist Layug, Thea Gagate at Lorene Toring.

 

 

Mayroon lamang 16 players ang nasa pool.

 

 

Pasok sina Jaja Santiago, Aby Maraño, Majoy Baron, Eya Laure, Mylene Paat, Iris Tolenada, Kamille Cal, Faith Nisperos, Ivy Lacsina, Mhicaela Belen, Dell Palomata, Ria Meneses, Imee Hernandez, Jennifer Nierva at Bernadette Pepito.

 

 

Hahawakan din ang Pinay spikers ni Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito na inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan.

Other News
  • Sylvia, nangatog at nanumbalik ang trauma sa ‘Bagyong Ondoy’

    NANUMBALIK ang trauma na naramdaman ni Sylvia Sanchez nang rumagasa ang napakalakas na bagyong Ulysses nitong November 11 sa buong Luzon kung saan maraming nawalan ng bahay ang mga kakabayan natin sa Bikol, Quezon, Montalban at Marikina City.   Kaya hindi napigilang mag- post ang premayadong aktres sa kanyang Facebook page noong Huwebes, November 12. […]

  • Bagong layang tulak, balik selda

    BALIK kulungan ang isang drug pusher na dati nang naaresto dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos muling masakote sa isinawang buy- bust operation ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si William Tutor, 43, […]

  • PANGANGAILANGAN AT BENEPISYO NG BUMBERO, FIRE RESCUER AT VOLUNTEERS ISUSULONG NG ABP

    PAGTUTUUNAN  ng pansin   ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) ang mga  pangangailangan at benepisyo ng mga bumbero, fire rescuers at volunteers, na mga unang tumutugon kung may nagaganap na sunog. Ayon kay Dr. Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, first nominee ng ABP Party list na malaking sakripisyo ng mga ito na makapagligtas ng buhay […]