• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiamco kampeon sa Behrman Memorial 9-Ball

Namayagpag si two-time Asian Games silver medalist Warren Kiamco sa 5th Annual Barry Behr-man Memorial Spring Open 9-Ball na ginanap sa Q Master Billiards sa Virginia, USA.

 

 

Hindi nakaporma sa tikas ng Cebu City pride si Manny Chau ng Peru matapos itarak ang impresibong 11-5 desisyon sa championship round.

 

 

Ito ang unang titulo ni Kiamco sa taong ito at ibinulsa ang $4,500 top purse samantalang naiuwi ni Chau ang $2,300 runner-up purse.

 

 

Nakasiguro ng tiket sa final round si Kiamco makaraang gulantangin si dating world champion Mika Immonen ng Finland sa semifinals sa dikitang iskor na 9-8.

 

 

Sa first round, agad na nagparamdam ng pu-wersa si Kiamco nang ilampaso nito si Tom Czaplicki, 9-2 bago itakas ang pukpukang 9-8 desis-yon kontra kay American Hall of Famer Johnny Archer sa second round.

 

 

Pinataob din ni Kiamco sina Daniel Sardoncillo sa third round (9-3), kababayang si Jeffrey De Luna sa fourth round (9-8) at Reymart Lim sa quarterfinals (9-4).

 

 

Magandang panalo ito para kay Kiamco na nagkasya lamang sa dalawang sunod na runner-up finishes sa One Pocket at 10-Ball events ng Iron CIty Open kamakailan. Ilang torneo pa sa US Circuit ang lalahukan nito.

Other News
  • Pinoy boxer Eumir Marcial umaasa pa rin ng suporta sa ABAP sa pagtungo nito sa US

    HINDI pa tiyak ni Philippine national boxer Eumir Felix Marcial kung suportado ito ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) sa pagsisimula na ng kaniyang ensayo para sa mga professional fights.   Nasa US na kasi si Marcial kung para makipagkita kay boxing coach Freddie Roach, at American matchmaker Sean Gibbons.   Nais […]

  • PDu30, handang pondohan ang imbensyon ng oral COVID-19 vaccine

    HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pondohan ang imbensiyon na oral COVID-19 vaccine ni Dr. & Rev. Fr. Nicanor Austriaco, OP, Professor of Biological Sciences.   Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na kung makikita na epektibo at ligtas ang oral COVID-19 vaccine na imbensyon ni Fr. Austriaco ay […]

  • ASEAN ‘looking forward’ nang makipagtrabaho sa Biden administration

    Handa nang makipag-trabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa administrasyon ng bagong upo na si US President Joe Biden.     Sa isang press release, sinabi ng chairman ng ASEAN Foreign Ministers’ Retreat, na umaasa silang mapapalakas sa ilalim ng bagong administrasyon ang ugnayan ng kanilang hanay at Estados Unidos.     “In […]