• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiefer ‘di pinayagan ng PBA

Hindi masisilayan si Kiefer Ravena suot ang Shiga Lakestars sa Japan B.League.

 

 

Ito ay matapos magdesisyon ang PBA Board of Governors na huwag pahintulutan si Ravena na makapaglaro sa Japanese league.

 

 

Nais ng PBA na sundin ni Ravena ang nakasaad sa kontrata nito sa NLEX Road Warriors.

 

 

“The PBA board had decided that Kiefer has to honor his contract with NLEX and with the PBA,” ani PBA chairman Ricky Vargas sa isang virtual press conference kahapon.

 

 

Humingi naman ng patawad si PBA commissioner Willie Marcial sa mga fans partikular na sa supporters ni Ravena.

 

 

Kailangan ni Ravena na irespeto ang pinirmahan nitong kontrata sa Road Warriors bago pumasok sa anumang uri ng kontrata sa labas ng PBA.

 

 

“We have a contract to abide by. We apologize,” ani Marcial.

 

 

Nakatakdang sumulat ang PBA sa Japan B.League upang iparating ang desisyon nito tungkol sa isyu ni Ravena.

 

 

Ipaaabot din ng liga ang desisyon nito sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na siyang nakikipag-usap sa FIBA sa mga usapin sa international player transfers.

 

 

Magugunitang inihayag ng Lakestars noong Miyerkules na nakuha nito ang dating Ateneo standout para lumaro sa 2021-2022 season ng Japan B.League.

 

 

Ngunit kasalukuyang nakapirma ng three-year maximum deal si Ravena sa NLEX Road Warriors.

Other News
  • Unang international sports event na FIBA Asia qualifiers, hudyat nang pagbubukas ng PH – IATF

    Ipinagmalaki ngayon ng IATF ang magaganap na kauna-unahang international sports event sa Pilipinas lalo na ang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa kabila na malaking problema pa rin ang pagharap sa COVID-19 crisis.     Ayon kay testing czar Vince Dizon, ang FIBA Asia Cup Qualifiers na mangyayari sa Clark, Pampanga ay nagpapakita lamang na […]

  • MMDA walang balak mag-expand ng number coding scheme

    WALANG plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawigin ang number coding scheme sa Metro Manila dahil kumonti na ang mga sasakyan sa lansangan.     Ayon sa MMDA ay bumaba na ito ng 390,000 mula sa dating 417,000 na naitala noong May 5 at 405,000 bago pa magsimula ang pandemya noong 2020.   […]

  • Ads January 24, 2020