Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA
- Published on July 27, 2021
- by @peoplesbalita
Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ravena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.
Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa aberyang naidulot ng biglaang announcement ng paglalaro nito sa Shiga.
“I apologize for any hurt feelings and stress this has caused the PBA and to my team, the NLEX Road Warriors,” ani Ravena.
Partikular na tinukoy ni Ravena ang PBA Board of Governors at si PBA commissioner Willie Marcial na nabigla rin sa anunsiyo ng Shiga noong Mayo.
“I specifically want to apologize to the PBA Board of Governors and Commissioner Willie Marcial who I know are doing their best to lead the PBA and meeting the changes and challenges brought about by the pandemic,” ani Ravena.
Humingi rin ng paumanhin ang dating Ateneo Blue Eagles standout sa mga fans na nakaabang sa bawat kaganapan sa kanyang Japan stint.
“Most especially I want to apologize to the PBA fans for the controversy and the distraction. It was not my intention,” dagdag ni Ravena.
Gayunpaman, malaki ang pasasalamat nito sa NLEX at PBA dahil napayagan na itong makapaglaro sa international league na isa sa kanyang pangarap noon pa man.
Wala pang petsa kung kailan magtutungo si Ravena sa Japan para simulan ang training camp nito kasama ang Lakestars.
Makakaharap ng Shiga sa opening day ng Japan B.League ang San-En NeoPhoenix na koponan ng kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy Ravena.
-
Ginebra nasa unang puwesto na matapos tambakan ang Dyip, 102-80
PASOK na sa unang puwesto ang Barangay Ginebra matapos tambakan ang Terrafirma 102- 80 sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center. Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang panalo na nagtala ng 21 points habang mayroong 13 points, 11 rebounds at siyam na assists si Scottie Thompson. Dahil sa […]
-
800K beneficiaries, aalisin ng DSWD sa 4Ps
SA HALIP na 1.3 milyon, aabot na lamang sa 800,000 ang mga benepisyaryo na aalisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Ayon kay DSWD officer-in-charge Undersecretary Edu Punay, ang orihinal na 1.3 milyong benepisyaryo ay isinailalim nila muli sa rebalidasyon dahil ang naturang numero […]
-
Mga senatorial candidates na umaaktong ‘mouthpiece’ ng Tsina, ibasura
ITO ang apela ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union sa mga botante. Ayon kay Ortega, hindi dapat iboto ang mga kandidato na hindi binibigyang prayoridad ang soberenya ng bansa lalo na sa harap ng agresibong territorial claims ng Tsina. “Ako yung statement ko dun, antagal na. Sabi ko nga, ‘wag […]