• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KIM, happy dahil fully-vaccinated na laban sa COVID-19; laging gutom ang side effect

HAPPY si Kim Chiu dahil fully-vaccinated na siya laban sa COVID-19. 

 

 

Share niya sa Instagram: “JGH. Finally. I have prayed for this day to come! Seeing the covid19 videos last year scared me, so many “what ifs” on my mind. I made myself physically active by doing different workouts to help my™ lungs get stronger mas matinidi pa workout ko now than my marathon training before. But today, I am happy that I am #FullyVaccinated protection from major illness and to protect my friends, family, loved ones, and the people around me. Let’s all get vaccinated to reach herd immunity.”

 

 

Sinovac ang tinurok kay Kim at ang nakakalokang side effect daw ay lagi siyang gutom!

 

 

“The side effect for me is I am just always hungry for five days, 5-6 meals instead of 2 meals a day, then that’s it,” post pa ni Kim na mukhang tataba dahil sa bakuna.

 

 

***

 

INATRAS ulit ng GMA ang airing ng primetime teleserye na Legal Wives na dapat ay eere na sa June 21.

 

 

Ayon sa Facebook account ng Legal Wives: “Mga Kapuso, mukhang di tayo tuloy sa June 21. Wait for the official announcement from GMA.”

 

 

Ito dapat ang kapalit ng Heartful Cafe ni Julie Anne San Jose.

 

 

Wala pang official announcement ang GMA tungkol sa pagkaantala ng Legal Wives na pinagbibidahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali.

 

 

Ayon sa isang source, hindi pa pala tapos ang taping ng Legal Wives. Nais daw ng production na matapos muna ang buong taping ng teleserye bago ito umere.

 

 

Naantala raw ang lock-in taping nila nang may isang staff na nag-positive sa COVID-19 noong magpa-swab test ito. Dahil dito ay na-pack up ang taping at pinag-quarantine ang lahat ng involve sa teleserye for 14 days.

 

 

Sumabay din ang problemang dinala ni Cherie Gil nang bigla itong mag-resign sa teleserye sa kalagitnaan ng taping.

 

 

Babalik daw sa lock-in taping ang lahat sa katapusan ng buwan na ito.

 

 

***

 

 

NAKA-MOVE on na ang Cuban actress na si Ana de Armas sa nagtapos na relasyon nila ni Ben Affleck.

 

 

January 2021 nag-break ang dalawa pagkatapos ng isang taong relasyon.

 

 

Nakipagbalikan na si Ben sa ex-girlfriend na si Jennifer Lopez at si Ana ay dine-dare ang VP ng dating app na Tinder na si Paul Boukadakis. 

 

 

Ayon sa Page Six: “Paul and Ana were introduced through friends. He is based in Austin, but splits his time between Texas and Santa Monica. He has been spending a lot of time with Ana before she left the US to film her new movie.”

 

 

Nakilala na raw ni Ana ang pamilya ni Paul at mukhang papunta na ito sa isang seryosong relasyon.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PAGSINGIL NG GENERATION COST NG MERALCO, PINALAGAN

    IKINADISMAYA ng isang Obispo ang panibagong pagtataas ng singil sa kuryente ng mga konsyumer sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig lalawigan.     Ayon Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi makatarungan na sisingilin sa mga consumer ang generation cost ng Manila Electric Company (MERALCO) noon taong 2013.     “How can they […]

  • 4 tulak nasilo sa drug bust sa Navotas

    SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ni alyas Andeng, 37, at alyas Noel, 42, […]

  • Konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 project on track

    Ang konstruksyon ng unang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Clark project ay tuloy-tuloy at halos ay 50 percent ng tapos.     Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na may 45.82 percent ng kumpleto ang progress rate ng konstruksyon at ito ay inaasahang matatapos sa ikalawang quarter ng taong 2024 at […]