KIM, napa-OMG! nang mag-comment si SHARON na pumuri sa kahusayan nila ni JERALD
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
NAPA-OMG! si Kim Molina nang bigyan pansin ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang naging reaksyon sa trending na trailer ng Revirginized na pinost ni Direk Darryl Yap na wala pang isang araw ay naka-5 million views na.
Sa FB post ni Kim, “OG!!!!! Madam Dorinaaa. Balutin mo po ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal mamplez!!! Darryl Yap x Sharon Cuneta #REVIRGINIZED”
Comment naman ni Sharon, “Kim, I just watched “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” two nights ago! Ang galing-galing mo! Si Jerald din na matagal ko nang gustong makasama at fan niya ako sa teatro pa lang!
“Congrats! Hope to meet you soon! God bless and thanks so much! Kim Molina.”
Kaya naman halos maiyak at magtatalon sa tuwa si Kim, base sa sa mga emojis na kanyang ginamit.
Sagot niya sa comment ni Mega, “HOMAYGOSH MEGASTAR OMG. MARAMING SALAMAT PO.
“Onga po na kwento ni Jerald nameet na niya kayo before. Hope to meet and work with you in the future kahit po passerby lang galingan ko paglalakad.
“Love you po Ms Mega! Thank you supporting us as well.”
Aliw na aliw naman ang netizens sa palitan ng komento nina Sharon at Kim and hopefully nga magkatrabaho sila sa next project ni Mega sa Viva Films, ganun din ang dyowa niyang si Jerald Napoles.
Malay natin, kung matuloy ang second movie nina Sharon at Direk Darryl ay matupad ang wish ni Kim na kahit passerby lang ay tatanggapin niya makatrabaho lang ang Megastar.
Pero for sure, kayang-kayang gawan ito ng Viva na mabigyan ng magandang si role si Kim sa next movie ni Sharon.
***
SA celebration ng kanyang 34th year sa showbiz industry, binahagi ni Ice Seguerra na finally ay natagpuan na ang isa pang nagbibigay saya sa kanya ngayon.
Sa IG post niya, “As I celebrate my 34th year in the industry, I am doing something na masasabi ko na hindi ko pinangarap at inakala na magpapasaya sa akin ng sobra.
“Directing.
“Nagsimulang beauty queen, artista sa telebisyon, pelikula, at teatro. Naging singer, gitarista, songwriter, song producer, at album producer.
“Finally, after many years, I’ve found something that gives me so much fulfillment and happiness where I can apply all the things I have learned through the years of being in the industry.
“I am celebrating my anniversary on the set, behind the scenes, in the director’s chair.
“And this is exactly where I want to be. #34yearsinthebiz.”
Sumunod na araw, pinost naman ni Ice sa kanyang IG ang paminsan-minsan lang magkasama sila ng buong araw ng wifey na si Liza Dino-Sequerra na sumakto naman sa kanilang ikalimang anibersaryo.
Caption ni Ice sa photo nila ni Liza, “Spent the whole day yesterday just lazing around with the wifey. Nood ng Netflix, kain, tulog, netflix, kain, tulog. These are rare moments kaya sobrang ineenjoy ko kapag nangyayari.
“You see, my wife is an action woman. Bawat oras para sa kanya, kailangan productive. Kaya yung kahapon, one for the books.
“Spending a lazy day with Liza makes me the happiest. 🙂
“Happy 5th sweetheart!!! I love you sooooo much!”
Samantala, special guest siya ni Vice Ganda sa VG-tal Concert na Gandemic na magaganap sa July 17, 9 PM Manila Time (world premiere) at July 18, 11 AM Manila Time (worldwide screening).
Post pa ng magaling na mang-aawit, “Excited to perform with the one and only @praybeytbenjamin 🙂
”Check poster for details! :)”
(ROHN ROMULO)
-
JOEM, naniniwalang makababangon muli ang ABS-CBN ‘pag nabigyan ng bagong prangkisa; ini-enjoy ang pagiging ama
ISANG taon na ang nakalipas mula nang maipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa nito. Pero kahit na walang prangkisa ang network ay patuloy pa rin si Joem Bascon sa pagtratrabaho sa network. Joem had been working sa ABS-CBN since he was 19 and after 15 years ay […]
-
JICA president Tanaka, nag-courtesy call sa Malakanyang
NAG-COURTESY CALL si Japan International Cooperation Agency (JICA)president Akihiko Tanaka kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules. “JICA has always been an important partner for the Philippines. It started only with infrastructure, but now you have also expanded into other areas, so we hope we can continue, especially the […]
-
Ex-Mayor Elenita Binay inabsuwelto sa graft
INABSWELTO ng Sandiganbayan si dating Makati City mayor Elenita Binay sa graft and malversation charges kaugnay ng mahigit P9.9 milyong halaga ng biniling medical equipment. Nakalusot sa criminal liability si Binay matapos hindi napatunayan ng prosekusyon ang kanyang “guilt beyond reasonable doubt.” Kasama rin sa mga akusado sina dating Makati City […]