Kim, napaiyak sa trailer ng Bawal Lumabas
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Umapaw ang emosyon ni Kim Chiu nang mapanood niya ang trailer para sa original series na Bawal Lumabas kaya naman hindi niya napigilang maiyak nang maisapubliko ito. “Nag-flashback sa akin lahat simula nag-start ang Bawal Lumabas. One mistake won’t define you as a person,” ang nakasulat na caption ni Kim sa kanyang Instagram video kung saan nagpupunas siya ng luha habang pinapanood ang trailer. “When you make a mistake, don’t look back at it long… ‘Mistakes’ are lessons of wisdom. The past cannot be changed. The future is yet in your power.”
Ngayong Disyembre 14 na mapapanood sa iWantTFC streaming service ang naturang family dramedy. Tampok din sa trailer ang hit song niyang Bawal Lumabas, na inspired din mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo habang kainitan ng ABS-CBN closure.
Mapapanood ng standard at premium subscribers ang Bawal Lumabas: The Series simula Disyembre 14 sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com.
Samantala, kung ang iba ay umaalis at naghahanap ng ibang manager, kabilang si Kim sa mga artista na pipirma ng kontrata na magaganap sa isang malaking event na Star Magic Shines On na ipalalabas sa ktx.ph today, December 4, 1 p.m..
Aside from Kim, kasama rin mga pipirma uli ng kontrata sina Darna actress Jane de Leon, leading men JM De Guzman, Joseph Marco, Pinoy Big Brother Connect at Game KNB? host Robi Domingo, The Gold Squad teen idol Andrea Brillantes and Ang Sa Iyo Ay Akin star Kira Balinger.
-
COVID-19 vaccines para sa kapulisan, sapat- Sec. Roque
SINIGURO ng Malakanyang na sapat ang COVID-19 vaccines para sa kapulisan. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na karapat-dapat naman na kilalanin ang mga law enforcement agents sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sinabi niya sa pagbabakuna ng police personnel […]
-
Kai ready lang para sa Gilas Pilipinas
Nakahanda si Kai Sotto anuman ang maging role nito sa Gilas Pilipinas na sasabak sa dalawang malalaking FIBA tournaments ngayong buwan. Solong dumating kahapon si Sotto mula sa Amerika kung saan hindi nito kasama ang kanyang pamilya dahil sa availability sa flight. “Walang flight for five (persons) kaya ako lang mag-isa. […]
-
KASO NG COVID SA PGH, TUMATAAS
PATULOY ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Philippine General Hospital mula nitong nakaraang linggo. Ayon ito kay PGH Spokesperson Dr Jonas del Rosario, kung saan hanggang kahapon, Linggo ay umabot sa 143 ang COVID-19 pasyente na naadmit mula sa 250 beds. ‘ Ang naitala po namin kahapon , ito po yung biggest […]