KIM, walang regrets na magkontrabida dahil natikman na ring maging bida
- Published on October 23, 2021
- by @peoplesbalita
BIGLANG nagkaroon ng reunion ang Hashtag members sa naging bachelor’s party ni Nikko Natividad.
Ikakasal na kasi si Nikko sa fiancee niyang si Cielo Eusebio at naging daan ang kanyang stag party para muli niyang makasama sina Kid Yambao, Tom Doromal, Wilbert Ross, Jimboy Martin, Vitto Marquez at Zeus Collins.
Dahil bawal pa rin ang magkaroon ng malalaking gatherings or parties sa anumang venues, iilan lang ang naging bisita ni Nikko at sa isang hotel room nila ito ginawa.
At dahil bawal din ang mag-hire ng stripper para sa stag party, si Zeus na lang ang nagdamit babae with matching wig at siya ang gumiling-giling sa kandungan ni Nikko.
Post ni Nikko sa Instagram: “Ito ang resulta kapag tinipid ka ng mga kaibigan mo sa STAG PARTY!”
Pinost din ni Nikko ang video clip na naglalaro sila ng balloon relay. Ang kakaiba lang sa game nila, papaputukin nila ang lobo sa puwet ni Nikko.
Kaya mapapanood sa video na masayang-masayang pinuputok ang lobo sa pamamagitan ng pagkadyot nila sa puwet ni Nikko na walang magawa kundi magulat na lang sa pagputok ng mga lobo.
Caption ni Nikko sa video: “Alam ko na pakiramdam nyo girls. Masama pala pag binibigla!”
***
NAGBIDA ng tatlong beses sa GMA si Kim Rodriguez bago siya nauwi sa pagiging kontrabida sa teleserye.
Maraming nanghinayang dahil isa si Kim sa nagtataglay ng magandang mukha sa showbiz ngayon. Pero wala raw regrets si Kim dahil natikman na raw niyang magbida.
“It’s okey po sa akin na support or magkontrabida ako ngayon. Ang importante ay tuluy-tuloy po ang trabaho for me at thankful ako sa GMA dahil tiwala pa rin sila sa akin,” sey ni Kim.
Kung tutuusin, mas naging visible daw si Kim nung mag-shift ito from bida to kontrabida. Hindi na raw siya mape-pressure dahil hindi na siya yung nagbibida sa teleserye.
“Happy naman po ako sa mga roles na binibigay sa akin. Napaglalaruan ko ang character ko. Kapag bida ka kasi, mas malaki ang pressure. Nakasalalay sa yo yung outcome ng teleserye.
“At least now, mas relaxed ako at the same time, ‘di po ako nababakante.”
Napapanood si Kim sa Stories from the Heart: Never Say Goodbye.
***
HINDI napigilan na maging emotional ni Lexi Gonzales nang maalala niya ang kanyang lola, na pumanaw dahil sa blood infection.
“Everything, like lahat ng nangyari sa buhay ko I always want to show my lola. Like everything, ever since StarStruck,” malungkot na pahayag ni Lexi.
Ang lola nga raw ang parating kakuwentuhan ni Lexi at sine-share din niya rito ang mga pagbabago ng kanyang career sa showbiz. Malaki raw ang kinalaman ng kanyang lola kung bakit nagpupursige si Lexi sa showbiz. Kaya malaki ang utang na loob niya rito.
Sey ni Lexi: “Recently lahat ng projects na nagagawa ko, I really wanna go to my lola and tell her na, ‘I did this!’ and ‘Mama I got to achieve this, I was able to do this on TV.’ Even until now I wish to go back running to my mama. Maybe hug her and tell her how thankful I am because I will not be here if it’s not for my lola.”
Nakatakdang maglabas si Lexi ng bago niyang single sa ilalim ng GMA Playlist na titled ‘Something in the Rain’.
Ayon kay Lexi, ang kanta ay tungkol sa first love at ang pakiramdam nito sa unang kinig, pero meron din itong malungkot na parte na naghahayag ng pangungulila.
(RUEL MENDOZA)
-
PBA legend Chito Loyzaga napiling chef de mission ng 32nd SEA Games
NAPILI bilang maging chef de mission ng 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ang beteranong PBA player na si Chito Loyzaga. Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na makakasama nito si sambo association Paolo Tancontian at canoe-kayak head coach at international technical official Leonora “Len” Escollante bilang magiging […]
-
PBBM kabilang sa sisingilin ng BIR kung kumikita ito sa kanyang mga vlog
NILINAW ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang magbayad ng buwis kung kumikita sila sa kanilang mga vlog. Ayon kay Marissa Cabreros, deputy commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), anuman ang kanilang pagkakakilanlan, ang mga vlogger na kumikita ng kanilang mga account sa mga streaming […]
-
Detention facility ni Guo, pamilya handa na sa Senado
NAKAHANDA na ang detention facility ng Senado para sa suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at mga miyembro ng kanyang pamilya sakaling maaresto na ang mga ito. Ipinakita sa media nitong Martes ni Lt. Gen. (ret.) Roberto Ancan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), ang facility na bagaman nasa […]