• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinabog ang mga celebrity pets: Fur baby ni TAYLOR SWIFT, nasa $97 million na ang net worth

KABOG ang ibang pets ng celebrities sa pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson. Ito kasi ang ikatlong pinakamayamang hayop sa buong mundo ayon sa report ng All About Cats.

 

Umaabot sa $97 million, o mahigit PhP 5.4 billion, ang net worth ng fur baby ni Taylor dahil sa social media. Ayon pa sa website, naging bahagi rin ng iba’t ibang proyekto si Olivia.

 

“With a whopping $97 million net worth, Olivia has found success outside of the world of Instagram influencing. The Scottish Fold earned her fortune starring alongside her owner in several music videos, has crafted her own merchandise line, and has had cameos in many big-budget ads, including for the likes of Diet Coke and Ned Sneakers,” ulat pa ng  All About Cats sa kanilang The Ultimate Pet Rich List: the Richest Pets in the World.

 

Napanood nga si Olivia sa ilang hit music videos ni Taylor tulad ng “Blank Space” at “ME!” Bukod kay Olivia, mayroon pang dalawang alagang pusa si Taylor na sina Meredith Grey at Benjamin Button na meron ding mga yaman na pinagmamalaki.

 

Ang number one na richest pet sa buong mundo ay ang German Shepherd na si Gunther VI, na pagmamay-ari ng the Gunther Corporation.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Waging Best Actor sa 19th Cinemalaya para sa ‘Tether’: MIKOY, naging emosyonal nang tanggapin ang Balanghai trophy

    NAGWAGI si Mikoy Morales bilang Best Actor Award sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival nitong Linggo para sa pelikulang “Tether.”       Ginampanan ng Sparkle actor ang karakter ni Eric, isang aroganteng playboy sa pelikulang “Tether,” na idinerek ni Gian Arre.       Hindi napigilan ni Mikoy na maging emosyonal nang tanggapin ang […]

  • Eala pasok sa 2nd round ng W15 Manacor Leg 2

    Kahit mayroong anim na International Tennis Federation (ITF) women’s singles title ang kanyang kalaban ay hindi nasindak si Alex Eala.     Pinatalsik ng Pinay tennis sensation si No. 2 seed Mirjam Bjorklund ng Sweden, 6-4, 3-6, 6-3, sa se-cond leg ng W15 Manacor ITF Rafael Nadal Academy World Tennis Tour sa Mallorca, Spain.   […]

  • Oil price rollbacks, nakita sa pagbaba ng presyo ng langis sa World Market- ekonomista

    ANG pagbaba sa presyo ng langis sa  world market ay isang  ‘welcome news’ sa mga mamimili.     Inaasahan na mata-translate ito sa mas pagbaba ng  fuel costs at sa kalaunan ay  mabawasan ang presyur sa inflation.     Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni Rizal Commercial and Banking Corp. (RCBC) chief […]