• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinabog sina Maria Cristina at Shewarma: NAIA, first ever Pinoy Drag Supreme ng ‘Drag Den Philippines’

KINORONAHAN na ang first ever Pinoy Drag Supreme ng ‘Drag Den Philippines’ at ito ay si Brian Black a.k.a. NAIA.

 

 

Magkasabay ang coronation episode ng Drag Den PH sa Amazon Prime Video at sa live coronation na ginanap sa Taguig City with the show’s host Manila Luzon.

 

 

Kinabog ni NAIA na taga-Las Piñas City ang mga nakasabay niya sa show na sina Aries Night, O-A, Barbie-Q, Lady Gagita, Pura Luka Vega, Maria Cristina at Shewarma.

 

 

Dumaan sila sa anim na rounds of challenges at runway presentations. Kahit na hindi siya nakakuha ng first place sa anumang challenge ranking, naging consistent naman siya sa performance niya kaya siya nakapasok sa Final 3 kasama sina Maria Cristina (2nd runner-up) at Shewarma (1st runner-up).

 

 

Sa ika-8th episode, rumampa ang tatlo suot ang kanilang national costume, swimsuit at evening gown. At sa huling pagkakataon ay sabay-sabay sila nag-lipsync sa awiting “Kilometro” ni Sarah Geronimo.

 

 

Sa Q&A round, tinanong ang tatlo ng: “What is the one and only one quality that makes you the true drag supreme?”

 

 

Ang naging winning answer ni NAIA ay: “I’ve stumbled and I’ve gone through so much hardship, especially in this competition, and Manila you’ve opened my eyes to what drag can truly be. It is free of expression and I can’t be more happy to be here.

 

 

“I hope that my story inspires young queer artists who are afraid of putting themselves out there because I was afraid. But thank you, Manila, for giving this platform because I was able to prove that growth is what you need to become the next drag supreme.”

 

 

Bukod sa korona, napanalunan ni NAIA ang P1 million worth of prizes.

 

 

***

 

 

NANGGULAT sa social media si Paris Hilton dahil sa pag-announce nito na meron na silang anak ng husband niyang si Carter Reum.

 

 

Isang baby boy ang sinilang ng surrogate nila Paris at Carter noong nakaraang January 23.

 

 

Sa official statement ng Paris with PEOPLE, sinabi nito: “It’s always been my dream to be a mother and I’m so happy that Carter and I found each other. We are so excited to start our family together and our hearts are exploding with love for our baby boy.”

 

 

Sa Instagram ay pinost ni Paris ang close-up photo ng baby hawak ang kanyang thumb: “You are already loved beyond words.”

 

 

Noong nakaraang December nang ihayag ni Paris ang plano nila ni Carter na magkaroon ng baby after nilang magpakasal. Nagsimula na raw sa in-vitro fertilization (IVF) process si Paris during the height of the COVID-19 pandemic.

 

 

“We started going and doing it like a few months in because the world was shut down. We knew we wanted to start a family, and I was like, ‘This is perfect timing. Usually, I’m on a plane 250 days out of the year, and let’s just get all of the eggs stocked and ready,’ and we have tons of them just waiting,” sey ni Paris.

 

 

Na-engaged sina Paris and Carter noong February 2021 at kinasal sila noong November 2022.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • All-Filipino lineup handang iparada ng Gilas

    Handa ang Gilas Pilipinas na isabak ang all-Filipino lineup nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers sakaling hindi umabot ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame.   Ilang araw na lamang ang nalalabi bago tumulak patungong Manama, Bahrain ang Gilas Pilipinas.   Subalit nananatiling opti­­mistiko ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makukuha ni Kouame ang naturalization […]

  • Magkapatid arestado sa baril at shabu sa Valenzuela

    Arestado ang isang wanted person at kanyang kapatid na babae matapos makuhanan ng baril at higit P.5 milyon halaga ng shabu makaraang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest kontra sa isa sa mga suspek sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ang mga naarestong suspek na si Jeremy Flores y Elefanio, 28, […]

  • Walang kupas at first time makita nina Andres at Atasha: CHARLENE, muling pinamalas ang husay sa pagsasayaw at hinahamon si AGA

    KAALIW at marami talaga ang natuwa sa IG post si Charlene Gonzalez-Muhlach na kung saan muling pinamalas ang galing niya sa pagsasayaw at hindi pa rin kumukupas paglipas ng maraming taon.       Caption ng iconic dancing queen, “Have not danced in years. It was such a pleasure to do an impromptu dance & […]