• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinatuwaan ang pag-amin na six months nang may ‘LQ’: SHARON, magiging single sana uli kung ‘di pa sila nagkabati ni Sen. KIKO

NATUWA ang mga netizens nang mismong kay Megastar Sharon Cuneta nagmula ang pag-amin na nagkaroon sila ng matagal na LQ or ‘lovers quarrel’ ni former Senator Francis Pangilinan na tumagal din ng ilang buwan.  

 

 

Sunud-sunod na pag-amin ang ginawa ni Sharon sa kanyang Instagram account, matapos umamin na nagkabati na muli sila ng husband niya last Saturday, November 19,  Nagsimula raw ito noong nasa concert sila sa US ni Regine Velasquez.

 

 

“Bati na kami today after ng pagkahaba-habang LQ namin,” wika ni Shawie.

 

 

“Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami nagtabi.” 

 

 

Sinundan na iyon ng mga sweet photos nila ng asawa with a caption na “sige, pagbutihan mo naybor para Sutart ka na ulit after 6 months,”

 

 

Sumunod na post ni Sharon, “Kala ko single na ako uli next year.  Ayan, buti bati na.”

 

 

Inamin na rin ni Sharon na muntik na silang maghiwalay ni former Senator Kiko.

 

 

“Reunited after a 6-month long LQ which we thought would lead to a separation,” post muli ni Shawie.

 

 

Siyempre pa ay ikinatuwa ito ng family nila at mga friends like ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo, noong debut ng panganay nilang si Yohan, na dinaluhan ni Sharon.

 

 

                                                            ***

 

 

THANKFUL si Kapuso actor Rocco Nacino sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya at sa kanyang pamilya.

 

 

Kasisilang nga lamang ng first child nila ng wife na si Melissa Gohing, ngayon naman ay may Instagram post siya na nasa tabi sila ng beach, with a caption na: “Our future home, with the sound of the waves to wake us up.  This is for you @gohingmelissa, @ezrenraffaellonacino.

 

 

“A place for us to stay, relax, to reconnect,  maybe, possibly retire, to bring our family and friends to enjoy the ocean.  We never thought of having our own land here.  Now, it’s a reality. Exciting times ahead. #LifeWithTheNacinos in Zambales.

 

 

Ayon naman kay Melissa, ang place daw ay “one of our best investments for EZ.”

 

 

Sa rami ng mga nag-congratulate kay Rocco, lalo siyang na-inspire to work, like ngayon, na tinatapos na niya ang mga eksena niya sa ‘Maria Clara at Ibarra’, na napapanood na siya bilang si Elias, ang matalik na kaibigan at tagapatanggol ni Crisostomo Ibarra (Dennis Trillo), gabi-gabi sa GMA-7, pagkatapos ng ’24 Oras’.

 

 

                                                            ***

 

 

KINATUWAAN ng mga netizens ang napanood nila sa GMA News ang pagtuturo ni Kapuso comedienne na si Pokwang, sa four-year-old daughter niyang si Malia, na gumagawa ng gawaing pambahay, tulad ng pagwawalis sa bakuran nila, paghuhugas ng pinggan, paglalaba at pagtulong kay Pokwang sa paghahanda ng pagkain nila.

 

 

“Para sa akin kasi, kailangang habang bata pa ay turuan na natin ng gawaing pambahay ang mga anak natin,” paliwanag ni “TiktoClock” host.

 

 

“Unang-una na ay kultura naman natin talaga na habang mga bata pa ang mga anak natin, turuan na sila ng mga gawaing-bahay,  Pinag-usapan din namin ito ng tatay niya (Lee O-Brian), para maging independent siya sa paglaki niya.

 

 

“Tuwang-tuwa siyang maghugas ng pinggan, binabantayan ko lang dahil malakas sa sabon, siyempre may kasama kasing laro,” natatawa pang kuwento ni Pokwang.

 

 

“Ginagawa ko ito dahil may isa pa akong reason, iyong mailayo ko siya sa paggamit ng gadgets.  Napapansin ko kasi kapag pinabayaan mo ang mga bata na laging gumamit ng gadgets, mahihirapan ka nang patigilin sila.  Kaya mas tamang mga gawaing-pambahay ang matutunan nila habang mga bata pa sila.”

 

 

Napapanood ang “TiktoClock” hosted by Pokwang, Rabiya Mateo and Kuya Kim Atienza, from 11;15am to 12noon, Mondays to Fridays.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Nagulat at ‘di makapaniwala sa naganap sa concert: STELL, napabilib si DAVID FOSTER sa pagbirit ng ‘All By Myself’

    NAPABILIB nang labis ng sikat na P-pop SB19 member na si Stell Ajero ang famous global producer-songwriter na si David Foster.         Sa “Hitman: David Foster and Friends Asia Tour 2024” sa Smart Araneta Coliseum nitong June 18, naging special guest si Stell, na kung saan siya ang opening act.     […]

  • Higit 5 milyong Pinoy bakunado na

    Naitala na sa 5,120,023 ang kabuuang Pilipino na nabibigay ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang vaccination centers sa bansa, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. kahapon.     Sa naturang bilang, nasa 1,189,353 ang nakakumpleto na ikalawang dose ng bakuna o ‘fully-vaccinated’ na.     Kabilang dito ang 1.4 milyon o 93 porsyento ng […]

  • Nagpasalamat si Mark sa bonggang regalo: MICHELLE, may customized Barbie Doll na suot ang Whang-Od inspired gown

    MAY sarili ng Barbie Doll si Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee at suot ng doll ang Whang-Od inspired evening gown na gawa ni Mark Bumgarner.       Regalo ito kay MMD at Mark ng Miss Universe Philippines Director of Communications Voltaire Tayag.       “My thank you gift to Michelle for having […]