Kinuwestiyon ang katapatan ni Lacson sa gitna ng Senate probe
- Published on September 2, 2021
- by @peoplesbalita
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Audit (COA) na nakagawa ng bribery at falsification of documents kasabay ng pagkastigo niya sa komisyon dahil sa pagpapalathala at pagsasapubliko ng paggasta ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Kinuwestiyon ng Pangulo ang nagpapatuloy na Senate investigation ukol sa P67-billion deficient spending ng Department of Health (DoH) sa COVID-19 response funds, kabilang na ang paglilipat ng P42 bilyong piso sa Department of Budget and Management.
Ikinasa ng Senado ang imbestigasyon matapos na lumabas ang 2020 audit report ng COA sa Department of Health.
“Why don’t you (COA) publish criminal cases filed against the auditing office involving corruption? Mas masahol pa, bribery, tinuturuan niyo mag falsify,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped nationl address.
“Madami nademanda sa COA for bribery and falsification of documents, tinuturuan nila ang nasa gobyerno.. ano ang gagawin para makalusot. Ganun ‘yan ,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi ng Pangulo na naging mabuti siya kay Senador Panfilo Lacson, sa kabila ng patuloy na pambabatikos ng senador sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa pandemiya base sa COA report ukol sa Department of Health.
“Ping, tanungin kita, are you honest? Answer me truthfully. Are you honest? If you answer yes, next program may pakita ako,” ayon kay Panugulong Duterte.
Kaagad namang niresbakan ni Lacson ang tirada sa kanya ni Pangulong Duterte.
Para sa senador, nasa “panic mode” na si Pangulong Duterte at malinaw na dini-dscourage nito ang Senado na ituloy ang imbestigasyon.
“But make no mistake. The Senate will not flinch on this one. There is a lot more to discover and pursue so that all those responsible for this abominable crime against the Filipino people who continue to suffer amid the pandemic will be exposed and charged in court at the proper time,” anito. (Daris Jose)
-
TESDA grads inayudahan ni Bong Go
PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nagtapos sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Mindtech Training and Development Institute Inc. sa Pasig City noong Miyerkules, Mayo 8. Nakapagtapos ang mga nasabing iskolar na ito sa programa ng TESDA sa pamamagitan ng suporta ni Sen. Go. “The skills and knowledge you have […]
-
2 arestado sa sugal at shabu sa Valenzuela
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador DesturaJr., habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Dalandanan Sub-Station 6 […]
-
Ads February 2, 2021