KISSES, pumasok sa Top 10 pero hindi na pinalad sa Magic 5 ng ‘Miss Universe Philippines’
- Published on October 2, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI pinalad makapasok sa Magic 5 ng Miss Universe Philippines search si Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin.
Hanggang Top 10 ang beauty ng dalaga who represented Masbate.
Dapat sana ay kinunsulta muna ni Kisses ang imaginary mirror ng award-winning talk show host na si Boy Abunda at baka may magandang sagot siya na makuha from it.
Mahirap lang sagutin kung may balak pa si Kisses na sumali muli sa isang beauty pageant.
If you recall, three times sumali sa Bb. Pilipinas si Pia Wurtzbach bago siya nagwagi and was eventually crowned Miss Universe 2015.
Baka naman hindi pa ito ang tamang panahon for Kisses. Baka may ibang plano ang universe for her.
Marami rin ang hindi satisfied with the way the Miss Universe pageant was conducted. Ang wish nila ay sana maibalik na lang muli ang Miss U franchise sa Binibining Pilipinas para manumbalik ang dating brillo nito.
***
MAY season 4 na ang The Clash, ang singing contest ng GMA Network pero sad to say wala pa silang napasikat nang bonggang-bongga sa three winners nila.
Magaganda naman ang mga bosses nina Golden Cañedo, Jeremiah Tiangco at Jessica Villaruvin pero bakit mailap ang swerte sa kanila?
Wala man lang silang mga hit songs na pwedeng ipagmalaki. Wala man lang tayong nabalitaan na nag-record sila ng album.
Nasaan kaya ang pagkukulang eh samantalang yung winners ng singing contest sa ABS-CBN ay may mga recordings naman. At may hit songs.
Kulang sa push sina Golden, Jeremiah at Jessica. Tapos may bagong edition na naman ang The Clash. Yung mga unang winners hindi umuusad ang careers.
***
TULOY ang Gabay Guro Grand Gathering via a virtual concert ngayong Sabado, 2 pm sa Facebook at You Tube pages ng Gabay Guro.
Ito ang 14th year ng Gabay Guro at ayon kay Ms. Chaye Revilla, hindi sila tumitigil sa pagtulong sa mga guro despite the pandemic.
Now, more than ever, mas kailangan daw ng mga guro ang tulong since mas maraming challenges silang kinakaharap dahil sa pandemic.
Kabilang sa mga celebrities who will take part sa big event na ito ng PLDT ay sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Olge Algasid, Gary Valenciano, Jed Madela at ang mga young stars.
(RICKY CALDERON)
-
MMDA maghihigpit pa rin sa mga e-bikes, light vehicle kahit suspendido ni PBBM ang pagpapatupad
MAGIGING mahigpit pa rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabawal sa mga light vehicles tulad ng e-bikes, e-trike, at tricycles sa kanilang pagdaan sa mga pangunahing lansangan sa kalakhang Maynila. Ito ay ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes at kung saan sinabi rin niya na susunod naman sila sa […]
-
Mass transit sagot sa malalang trapik
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na minamadali na ng pamahalaan ang paggawa ng mass transit system sa bansa para tugunan ang lumalalang problema sa trapiko sa bansa. Ayon sa Pangulo, ang prayoridad nila ngayon ay mga imprastraktura kontra sa trapiko at ang tanging sagot dito ay mga mass transit system […]
-
Jaja Santiago nag change nationality na
Hindi na paglalaruin si Jaja Santiago sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia dahil pinoproseso na niya ang kanyang Japanese citizenship, ayon kay Philippine women’s volleyball team coach Jorge Souza de Brito. “Sa tingin ko ay hindi dahil sinimulan niya ang proseso para sa pagkamamamayan ng [Japanese]. Masama para sa amin, mabuti para sa […]