• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Knights pupuntiryahin ang ‘three-peat’ sa NCAA Season 98

WALANG ibang puntirya ang Letran Knights kundi ang ‘three-peat’ sa susunod na NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa Setyembre.

 

 

Kinumpleto ng Knights ang 12-game sweep matapos dominahin ang Mapua Cardinals sa NCAA Finals para angkinin ang kanilang back-to-back championship sa Season 97 noong Linggo.

 

 

Unang kinopo ng Letran ang dalawang sunod na titulo noong 1998 at 1999.

 

 

“Babalik ako na kapag nag-start iyong practice namin. Kailangan ko na lang is i-improve iyong kulang ko,” sabi ni Rookie of the Year at Most Valuable Player Rhenz Abando sa kanilang asam na ‘three-peat’.

 

 

Tanging sina center Jeo Ambohot, forward Christian Fajarito at guard Allen Mina ang mawawala sa lineup ng Knights ni head coach Bonnie Tan sa susunod na season.

 

 

Ang pagkopo sa korona ng Season 97 ang sinabi ni Tan na pinakamahirap.

 

 

Ito ay dahil sa coronavirus disease (COVID-19) kung saan napuwersa ang NCAA na kanselahin ang Season 96 bago naituloy ang Season 97 noong Abril sa isang bubble setup.

 

 

“Mahirap itong pande­mic na liga coming from more than two years na bakante,” sabi ni Tan, ang team manager ng NorthPort Batang Pier sa PBA.

Other News
  • Huling Marcos DQ case ibinasura sa Comelec division level

    DISMISSED sa First Division ng Commission on Elections (Comelec) ang huling disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ito ang pahayag ng dibisyon, Miyerkules, kaugnay ng kasong inihain nina Margarita Salonga Salandanan, atbp. laban sa kandidatura ni Bongbong.     “As it now stands, Respondent possesses all the qualifications and […]

  • Hidilyn Diaz ginulat ang mundo

    Tinapos na rin ni Hidilyn Diaz ang pagkauhaw ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics na inabot din ng 97 taon.     Ang award winning performance ni Diaz ay nang talunin niya ang world champion ng China at record holder na si Liao Qiuyun sa makapigil hininga na face-off sa Tokyo International Forum nitong […]

  • Ads May 31, 2022