Knott nagtapos sa ikalawang puwesto sa torneo sa Texas
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
Nagtapos sa ikalawang puwesto si Filipino-American sprinter Kristina Knott sa 100-meter event sa Cylde Littlefield Texas Relays sa Austin.
Mayroong record ito na 11.54 seconds habang si Kiara Parker na nakuha ang kampeonato ay mayroong 11.20 seconds at ang third runner up ay nagtala ng 12.52 seconds sa kumpetisyon na ginanap sa Mike A. Myers Stadium.
Lalahok ito sa limang torneo bilang qualifiers sa Tokyo Olympics.
Sa naging oras nito ngayon ay hindi niya nahigitan ang nagawa nito noong August 2020 sa Iowa na mayroong 11.27 seconds na nabasag nito ang national record ni Lydia de Vega.
Ang qualifying standard ng Olympic sa 100 meters ay 11.15 seconds.
Umaasa si Knott na makapag-qualify ng 200 meters na mayroong 22.80seconds.
Hawak kasi nito ang record sa bansa na 23.01 seconds noong 2019 Southeast Asian Games.
-
Final list ng mga kandidato sa 2022 elections, posibleng ilabas sa 2nd week ng December – Comelec
Kahapon nang sabihin ni Jimenez na kabuuang 91 ang mga petisyon na tatalakayin ng komisyon bago ang final printing ng mga balota sa Disyembre. Aniya, ang mga petisyon ay kinabibilangan ng mga tatakbo sa pagka-pangulo, bise presidente, senators at partylist representatives. Samantala, kahit marami raw ang maghahain ng kanilang withdrawal o […]
-
‘No cause for investors’ alarm matapos arestuhin si dating PDU30
WALANG dahilan para mag-alala ang mga investor sa kabila ng ‘political tensions’ kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bisa ng International Criminal Court (ICC) warrant kaugnay sa di umano’y crimes against humanity. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na pinahahalagahan ng […]
-
72 NFL players nagpositibo sa coronavirus
Umaabot sa 72 mga US football players ang nagpositibo sa COVID-19. Kinumpirma ito ng National Football League palyer’s union matapos ang isinagawang malawakang pagsusuri sa mga manlalaro. Hindi naman nila binanggit kung ilan sa halos 2,900 na manlalaro ng NFL ang natapos na sumailalim sa pagsusuri. Ang nasabing test results ay lumabas […]