• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KONSEPTO NG 15-MINUTES CITY, NAIS GAYAHIN NG QC

PINAG-AARALAN na ngayon ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang konsepto ng 15-minutes city strategy bilang bahagi ng kanilang komitment sa pagsusulong ng sustainable community sa lungsod.

 

 

Ang 15-minutes city ay isang urban model na nagsisigurong ang lahat ng esensyal na pangangailangang serbisyo gaya ng health care, job opportunities, parks at open spaces, at edukasyon ay accessible at malapit lamang sa bahay ng lahat ng mamamayan, ayon na rin kay Professor Carlos Moreno ng Sorborne University.

 

 

Layunin nito na idecentralize ang mga serbisyo at ibaba ito sa mga komunidad upang mapayabong pa ang ekonomiya at maisulong ang bio diversity at inclusivity at makapaghatid sa tao ng masustansyang mga pagkain.

 

 

Ayon kay Mayor Belmonte, nais nyang gayahin ang konsepto ng 15 minutes city dahil napahanga sya nito nang personal nyang masaksihan ito sa Paris, France upang mas mapaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan.

 

 

Kaugnay nito ay tinipon ng pamahalaang lokal ang mga researchers mula sa mga departamento upang pag-aralan ito. Kabilang dito ang Office of the City Administrator (OCA), Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD), City Planning and Development Department (CPDD),City Architect Department (CAD), Parks Development and Administration Department (PDAD), Transport and Traffic Management Department (TTMD), and Barangay and Community Relations Department (BCRD).

 

 

Ayon kay CCESD Head Andrea Villaroman, bukod sa magiging accesible sa mga mamamayan ang serbisyo ng pamahalaang lokal, makatutulong din sa pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan. Suportado rin nito ang target lungsod na makamit ang carbin neutrality sa taong 2050.

 

 

Paliwanag pa ni Belmonte, mahalaga ang partisipasyon ng mamamayan sa pagpapatupad ng 15 minutes city concept. Ang lahat ng pagsisikap ng mga residente, pribadong sektor at mga ahensya ng pamahalaan ay mahalaga tungo sa pagkamit ng liveable at sustainable na lungsod. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Pinay tennis star Alex Eala umangat ang ranking sa WTA

    Umangat ang WTA ranking ni Filipina tennis player Alex Eala.       Mula sa dating 737 noong nakaraang buwan ay nasa 715 na siya ngayon. Ito na ang pinakamataas na ranking na narating ng 15-anyos na tennis player.       Noong nagsisimula pa lamang ang taon ay nasa ranked 1190 ito. Nag-improve ang […]

  • BSP nilinaw na wala silang bagong coin series na inilabas

    NILINAW ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na wala silang inilalabas na bagong salapi o coin series sa bansa.     Ginawa ng BSP ang paglilinaw kasunod na rin ng kumalat na imahe ng mga coins sa social media.     Ayon sa BSP ang naturang mga larawan ay bahagi ng “Ang Bagong Lipunan” […]

  • Warriors inisahan ang Mavericks

    BUMALIKWAS ang Golden State Warriors mula sa malamyang panimula para kunin ang 112-87 panalo sa Dallas Mavericks sa Game One ng kanilang Western Conference finals.     Naglista si Stephen Curry ng 21 points at game-high na 12 rebounds para akayin ang Warriors sa 1-0 lead sa kanilang serye ng Mavericks.     May tig-19 […]