Konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 project on track
- Published on May 29, 2021
- by @peoplesbalita
Ang konstruksyon ng unang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Clark project ay tuloy-tuloy at halos ay 50 percent ng tapos.
Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na may 45.82 percent ng kumpleto ang progress rate ng konstruksyon at ito ay inaasahang matatapos sa ikalawang quarter ng taong 2024 at magkakaron ng partial operation sa ika-apat na quarter ng nasabing taon.
Nagkaron ng inspection ang team ni DOTr Tugade sa site ng konstruksyon noong nakaraang Linggo upang makita ang progress at development.
Taong 1993 pa nagkaron ng ground breaking ang PNR Clark Phase 1 subalit sa kasalukuyang administrasyon lamang nagkaron ng kaganapan ang tuloy-tuloy na konstruksyon.
“This is very historial because there have been four attempts to do the project since 1993 and for the first time there is construction,” ayon kay Tugade.
Ang North-South Commuter Railway (NSCR) Project o PNR Clark Phase 1 Project ay binigyan ng pondo mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA). Ang proyektong ito ay ang 38-kilometer railway na magdudugtong sa Tutuban Station sa Manila papuntang Malolos, Bulacan. Nilagdaan ang kontrata noong November 2015.
Magkakaron ito ng sampung (10) stations simula sa lungsod ng Manila, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan at Malolos at bayan ng Marilao, Bocaue, Balagtas at Guiguinto sa Bulacan.
Inaasahang makapagbibigay ito ng serbisyo sa mahigit na 300,000 na pasahero kada araw at mababawasan ang travel time galing Malolos papuntang Tutuban mula sa dating 1 oras at 30 minuto na magiging 35 minuto na lamang.
Ayon kay Tugade ang training simulator ay darating sa pagitan ng buwan ng September at October habang ang mga trains ay darating naman sa December.
Dagdag pa ni Tugade na may mahigit na 7,500 na mga mangagawa ang kanilang mabibigyan ng trabaho para sa ginagawang konstruksyon habang magkakaron pa ng karagdagang 2,000 na trabaho ang magiging available kung ito ay tapos na.
Sa kasalukuyan, mayroon 200 na dating Overseas Filipino Workers (OFW) ang nagtratrabaho sa nasabing proyekto maliban pa sa mga nawalan ng trabahong mga drivers at conductors na kanilang balak na kunin rin.
Kasama ni Tugade sa ginawang inspection ay sila Bulacan 4th District Representative Henry Villarica, Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, PNR General Manager Junn Magno, Undersecretary Timothy John Batan, Chief of Staff and Assistant Secretary Giovanni Lopez, Assistant Secretary Fidel Cruz, Representatives mula sa Taisei-DMCI Joint Venture at NSTren Consortium. (LASACMAR)
-
Get Your Tickets to “Twisters” Now. Plus, Meet the Tornado Wranglers in Action in the New Featurette
A group of fearless storm chasers risk their lives to face one of nature’s most terrifying forces in “Twisters.” The epic disaster film arrives in Philippine cinemas on July 17, but movie-goers can get their tickets now ahead of everyone else by logging in at www.twisters.com.ph. Watch the brand new trailer here: https://youtu.be/ORAgIWnn5QQ […]
-
Gobyerno, walang ginastos kahit na isang kusing na mula sa pondo ng pamahalaan
IGINIIT ng Malakanyang na walang ginamit na kahit na singkong pondo ng pamahalaan sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG). Malinaw ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na walang nilabag ang pamahalaan ukol sa “prioritization for COVID-19 vaccination”. Sa ulat, umamin si PSG BGEN Jesus P Durante […]
-
Ibinahagi rin sa post ang mga damit na bigay ni Sharon: ROSANNA, nasubok ang katatagan nang mamatay ang ina habang nasa taping ng serye ni COCO
SA isang post sa kanyang IG Account (therealrossanaroces) ibinahagi ng dating sexy star na si Rosanna Roces ang karanasan niya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano. Doon lang niya binanggit na habang nagti-taping siya sa Ilocos ay namatay ang kanyang nanay. Sabi ni Osang, nagawa raw niyang itago ang lungkot pero sinabi niya sa […]