Kontrabida ni Darna, ‘di kasama sa ni-reveal na cast: JULIA, bagay raw gumanap na Valentina at puwede rin sina HEAVEN at AJ
- Published on October 7, 2021
- by @peoplesbalita
IPINAKILALA na ang cast ng Darna TV series na pagbibidahan ni Jane de Leon at ididirek ng master director na si Chito S. Rono.
Pero wala pang announcement ang production kung sino ang gaganap na Valentina, ang babaeng ahas na kontrabida ni Darna.
Bakit kaya wala pa silang napipiling artista for the role of Valentina, na isang importanteng role sa anumang kwento ng Darna?
Sa isang FB post ay nabasa namin ang comment na ang bagay raw na gumanap sa role ni Valentina ay si Julia Barretto.
Eh bakit daw si Julia?
Kasi raw “inahas” daw ni Julia si Gerald Anderson kay Bea Alonzo kaya bagay siyang gumanap na Valentina, ang babaeng ahas.
Grabe naman ang mga netizens kay Julia.
Eh kung sakaling i-offer nga kay Julia ang iconic role ni Valentina, tatanggapin naman kaya niya?
May suggestions din ang netizens na si Heaven Peralejo or si AJ Raval ang kunin for the role of Valentina.
***
CUTE ang picture ni Nadine Samonte kung saan nakahiga siya sa pile of receipts ng nagastos niya sa kanyang pagbubuntis.
She posted sa kanyang IG account na she loves being pregnant kahit na mahirap dahil blessing ito ni Lord and that she will be forever grateful na binayayaan pa sila ng isang anak.
Inaasahan na ni Nadine na maraming magko-comment na mataba siya pero normal naman sa isang buntis ang tumataba. Wala raw pakialam si Nadine sa sasabihin ng mga tao, kahit pa negative, dahil ginagawa naman niya ito para sa kanyang baby.
Kahit daw na marami siyang pinagdadaanan sa kanyang pagbubuntis ay worth it naman daw ito.
Marami raw gustong magkaanak at isa siya sa pinagpala kaya iniingatan niya ang kanyang pagbubuntis and looking forward si Nadine na makita ang kanyang bunso.
***
SUNOD-SUNOD ang pag-file ng certificates of candidacy ng iba’t-ibang artista.
Nag-file na si former QC Mayor Herbert Bautista who is running for the Senate sa ilalim ng partido nina Senators Ping Lacson at Tito Sotto.
Aprub kami sa pagtakbo ni Bistek sa senado dahil may experience siya sa paggawa ng batas.
Tatakbo namang Konsehal ng QC si Aiko Melendez sa 5th District. Dati nang nagsilbi si Aiko bilang konsehal.
Dahil sa kanyang pagtakbo ay hindi muna magagawa ni Aiko ang Book 2 ng Prima Donnas sa GMA 7.
Tatakbo rin for elective posts sina Tom Rodriguez, Jinggoy Estrada, Ejay Falcon, at Richard Yap.
Nanumpa sina Robin Padilla at Rommel Padilla sa partido ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tatakbo raw na Senador si Robin.
(RICKY CALDERON)
-
BULAKENYO TAEKWANDO MEDALISTS
SINA Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama ang mga Bulakenyong nagkamit ng medalya sa Taekwondo sa ginanap Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon, na nagwagi ng 13 medalya sa 6th Heroes Taekwondo International Championship 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Hulyo 2023, […]
-
Muling naging aktibo sa social media account: KRIS, tuloy ang laban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY
NABUHUYAN ng pag-asa ang mga nagmamahal kay Kris Aquino dahil muling naging aktibo ang TV host/actress sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account. Alam naman ng publiko na kasalukuyang nasa Amerika si Kris at hinahanapan ng lunas ang kanyang karamdamang may kinalaman sa kanyang autoimmune condition. September huling nag-post […]
-
Kumalat na fake news, ‘di talaga kapani-paniwala: KRIS, itinanggi na ikakasal na sa kanyang physician boyfriend
KUMALAT nga ang balitang ikakasal na raw si Queen of All Media Kris Aquino sa physician boyfriend na si Dr. Michael Padlan na nagwo-work sa Makati Medical Center. Ipinagkakalat ng isang poser sa Facebook post na nakatakda na raw ang intimate wedding na gaganapin sa isang events place sa Makati City, na ipinakita ang […]