Kontrata ni Bryant sa Nike tinapos na ng kampo nito
- Published on April 22, 2021
- by @peoplesbalita
Tinapos na ng kampo ni NBA legend Kobe Bryant ang kontrata nito sa Nike.
Nagdesisyon ang asawa ng pumanaw na Los Angeles Lakers star na si Vannessa Bryant at ang abogado nito na hindi na nila ire-renew ang partnership nila matapos na ito ay magpaso noong Abril 13.
Sinabi nito na naging matagumpay ang paglunsad ng sapatos ng asawa nito sa nagdaang 18 taon at mas marami pa itong naisusuot na sapatos ni Kobe kaysa sa ibang mga signature shoes.
Isang dahilan kaya hindi na ito nagrenew ng kontrata sa Nike ay dahil sa walang size na pambata.
Umaasa pa rin ito na isusuot pa rin ng fans ng asawa nito ang mga produkto ng NBA legend.
Taong 2003 ng pumirma sa Nike si Kobe at naipalawig pa ito ng limang taon ang kontrata matapos ang pagreretiro niya noong 2016.
Magugunitang pumanaw si Bryant noong Enero 2020 ng bumagsak ang helicopter na sinakyan niya kasama ang anak at pitong iba pa.
-
Phivolcs, nagbabala sa patuloy na pagbuga ng gas ng Taal
BINALAAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko hinggil sa patuloy na ‘degassing activity’ o pagbuga ng gas mula sa Bulkang Taal. Sa Taal Volcano advisory ng Phivolcs nitong Linggo, nagkaroon nang pagbuga ng gas mula sa Taal, na sinabayan ng pagluwa sa lawa ng Main Crater na lumikha ng […]
-
2 MWP ng PRO4A at PRO8, timbog sa Valenzuela
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) 4A at ng PRO8 matapos maaresto sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Valenzuela city. Ayon kay Valenzuela City Police chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr. dakong alas-12:30 ng madaling araw nang arestuhin si Roscoe Alve, 36, negosyante, […]
-
Filipinong FM Ivan Travis Cu, Runner-Up sa Budapest First Saturday Chess Tournament
TINAPOS ng Filipinong FIDE Master (FM) na si Ivan Travis Cu ang First Saturday IM April 2025 Chess Championship bilang ikalawang pwesto sa torneo na ginanap mula Abril 5 hanggang 12, 2025 sa Hotel Golden Park, Budapest, Hungary. Nagtala si Cu ng mahalagang panalo laban kay Arena FIDE Master Pavan sa huling round upang tapusin […]