• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kotse sumalpok sa trak: 4 patay, 1 kritikal

APAT katao ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang kotse sa isang trak sa bahagi ng Maharlika Highway na nasa Gumaca, Quezon, kahapon (Biyernes) ng umaga.

 

Kabilang sa mga nasawi si Joseph Dumlao, 33, residente ng Pasig City, na nagmaneho ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS-5879), ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

 

Nasawi rin ang mga sakay niyang sina Rozalie Soldevilla, 35; Raquel Soldevilla, 42; at Rodolfo Soldevilla, 70, pawang mga residente ng Tabuk City, Kalinga.

 

Malubhang nasugatan ang isa pang pasahero, na nakilala bilang si Roxanne Soldevilla, 25, residente din ng Tabuk City.

 

Minamaneho ni Dumlao ang kotse sa bahagi ng highway na sakop ng Brgy. Panikihan dakong alas-4:30, nang sumalpok itoo sa kasalubong na Isuzu truck (RGC-417), na noo’y minamaneho ni William Pelareja, 34, patungo sa direksyon ng Maynila.

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na lumipat sa kabilang lane ang kotse kaya ito sumalpok sa trak.
Dinala lahat ng sakay ng trak sa Gumaca District Hospital, pero di na umabot nang buhay si Dumlao at tatlo sa kanyang mga pasahero, ayon sa ulat.

 

Naka-confine pa sa naturang pagamutan ang ikaapat na pasaherong si Roxanne, habang isinusulat ang istoryang ito.
Hindi nasugatan si Pelareja sa insidente, ayon sa pulisya.

Other News
  • Tayuan sa bus, nakasabit sa jeep bawal – MMDA

    BINALAAN ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at  jeep sa mahigpit na pagbabawal sa mga nakatayo o nakasabit na pasahero kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).     Sinabi ni MMDA officer-in-charge and general manager Romando Artes na ito […]

  • NBA BUBUKSAN SA DEC. 22

    MAGSASAGAWA ang NBA team owners at players union ng magkahiwalay na meeting upang maselyuhan na ang nilulutong pagbubukas ng liga sa December 22 para sa 2020-2021 kampanya ng liga.   Inaasahang magkakasundo sa gagawin meeting ang National Basketball Players Association at ang liga sa 72 games per club at sa Dec. 22 na pagbubukas ng […]

  • NDRRMC, iniimbestigahan ang di umano’y hacking ng official Facebook page nito

    NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang  National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa pinaghihinalaang  security breach hinggil sa  kanilang official Facebook page.     Sa isang kalatas, sinabi ng  NDRMMC na ang kanilang Facebook page  ay na-hacked ng alas-3 ng hapon, araw ng Martes.     Ayon pa sa NDRMMC, nasa proseso na […]