• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kouame, ihahabol ng SBP na mapasama sa FIBA qualifiers

Nagbubunyi ngayon ang mundo ng basketball sa Pilipinas matapos na pormal nang magawaran ng Filipino citizenship ang big man ng Ateneo de Manila University na si Angelo Kouame.

 

 

Ang 23-anyos na si Kouame ay ipinanganak sa Ivory Coast at may height na 6-foot-10.

 

 

Una nang pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naturalization bill para kay Kouame na pinagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

 

 

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, magsisilbing investment ng Pilipinas si Kouame habang naghahanda ang bansa sa prestihiyosong 2023 FIBA Basketball World Cup.

 

 

Si Kouame ay naglaro na rin sa PBA D-League at naging champion. Habang tinanghal siyang Most Valuable Player at kasama sa Mythical Five sa Filoil Flying V Preseason Cup noong 2018.

 

 

Dalawang beses din siyang naging bahagi ng champion team na Ateneo sa UAAP.

 

Inaabangan ngayon kung maihahabol si Kouame sa Gilas Pilipinas kung saan nalalapit na ang 2021 Fiba Asia Cup qualifiers sa Clark, Pampanga sa susunod na buwan.