Kouame naka-focus ngayon sa pagsali sa 2023 FIBA World Cup
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ni Gilas Pilipinas program director Tab Baldwin na maglalaro sa national team si Ange Kouame.
Ito ay matapos ang ilang buwan nang aprubahan ang kaniyang naturalization.
Sinabi ni Baldwin na nagkaroon na sila ng pag-uusap ng adviser ng Ateneo de Manila player na si Arben Santos na makakasama ng Gilas Pilipinas si Kouame sa 2023 FIBA World Cup.
Naka-focus aniya ang 6-foot-11 na Ivorian center sa paglalaro sa FIBA World Cup.
Wala rin aniya itong balak na maglaro sa ibang bansa gaya na ginawa ng ilang mga manlalaro ng bansa.
Magugunitang kinuha ng Australian basketball league ang 7-foot-2 center na si Kai Sotto habang sina Dwight Ramos at Thirdy Ravena ay nasa Japan kasama si Kobe Paras.
-
Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba
BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023. Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families. […]
-
Ads November 15, 2023
-
Ilang mambabatas nagbigay ng 1 buwang sahod para sa nasalanta ni #RollyPH
ISANG buwan sahod ang ibibigay ng ilang mambabatas bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Quinta at Rolly. Sinabi ng tanggapan ni Houe Speaker Lord Allan Velasco na isang fund drive ang gagawin ng Kamara para sa mga biktima ng bagyo at pangunahin na rito ang donasyon na manggagaling mula mismo sa mga mambabatas. […]